Chapter 3

3.8K 130 24
                                    

Chapter 3

Mission

The next days went passed smoothly. Sa wakas ay hindi na din mas'yado masakit ang sugat ko. Sinigurado ko talagang hindi na ulit dudugo dahil ayokong makikita nanaman sa hospital ang lalaking iyon.

Pinangako ka din sa sarili ko na kung sakaling makita ko man si Lycus ay iiwas na talaga ng todo. As in, hinding hindi ako magpapakita sakanya. Hindi ko hahayaang ako ang una niyang makita.

Bakit nga ba ako umiiwas? Hindi ko din alam sa sarili ko. I just find it so awkward. I mean, ex ko na siya and it doesn't mean na dapat na akong umiwas sakanya because that's so immature of me.

Gusto ko lang talagang iwasan siya hindi dahil hindi ko pa siya nakakalimutan. Siguro ay dulot ito ng guilt na kumakain sa buong sistema ko.

Hindi tuloy kaagad ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa kakaisip nanaman sakanya. Isa pa ito sa pinaka-ayaw ko. Ako na ang nagsasabi sa sarili kong iiwasan na siya pero iniisip isip ko pa din talaga siya.

Maaga akong ginising dahil sa tunog ng phone ko. Antok na antok pa ako dahil halos mapuyat ako kagabi kahit wala naman akong ginagawa. Kinuha ko ang phone nasa side table dahil may tumatawag.

Hindi ko na inalintana kung sino ang caller, basta inilagay ko nalang iyon sa tainga ko at kinusot pa muna ang mga mata dahil inaantok pa talaga ako. Nakakainis lang iyong tumawag.

"Hermione, come here at the head quarters."

Halos mapabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang boses ng Boss namin. Dali dali kong inayos ang sarili ko at tumingin pa sa salamin kung may muta ba.

"Yes, Boss!" biglang umiba ang boses ko na kanina ay inaantok lang.

Wala na siyang sinabi at kaagad na binaba ang tawag. Ako naman ay kaagad na dumiretso sa banyo para maligo. Alam ko na kasi kapag ganitong pinapatawag kami ng Boss namin lalo na sa ganitong oras.

Halos abutin lang ako ng 10 minutes sa pag-ligo dahil sa kakamadali. Wala namang sinabing exact time si Boss pero kailangan ko pa ding bilisan ang kilos, lalo na sa tono ng boses niya kanina na parang nakakatakot.

Kaagad akong nag-bihis ng damit at bumaba na sa baba para kunin ang ducati ko na naka-park doon. Nang matapos ay sumampa na ako roon at pinaharurot papunta sa head quarters namin.

Kabadong kabado pa din ako sa hindi malamang kadahilanan. Nang nakarating ay halos takbuhin ko na ang papunta sa undeground kung saan nandoon panigurado ang Boss namin.

At hindi nga ako nagkakamali. Nang nandoon na ako ay kaagad kong nakita ang Boss namin, as usual ay may mask ito sa mata. He's also wearing a black coat, mahaba iyon at hanggang sa may tuhod gaya ng suot niya lagi. He's also wearing a black cap.

Kung titignan mo siya, mukha talaga siyang mafia pero isa lang naman siyang tumutulong sa mga inosenteng taong inaapi ng mga masasamang tao. Sino ba naman ang hindi mag-aakala, hindi ba?

He's a demon with a heart, ika nga.

Nakatalikod siya saakin ngayon
pero kita ko ang kabuonan niya. Kinailanan ko pang tumikhim para mapansin niya ako. Lumingon naman kaagad siya saakin at inayos ang tayo.

"Come here," aya niya saakin kaya naman sumunod ako sakanya.

Sinundan ko siya kung saan siya papunta. Nasa harapan na namin ngayon ang isang parang bulletin board, dito kasi namin nakikita ang mga missions na naka-takda saamin kaya mukhang alam ko na ang mangyayari.

Tinignan ko ang bawat papel na nakapaskil doon. Iba ibang mga drug lords at mga criminals ang nakalagay doon samantalang sa ibaba ng litrato nila ay may nakalagay na pangalan kung sino ang gagawa ng misyong iyon.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon