Chapter 1

5.6K 187 48
                                    

Chapter 1

Doctor

Panay ang daing ko habang ginagamot niya ang sugat ko. Tinatanggal na niya ngayon ang bala sa may braso ko at nang matapos ay tinahian na niya iyon ng kung ano kaya halos umiyak ako sa sakit.

Kanina, halos matulos ako sa kinatatayuan nang magtama ang paningin namin. Hindi ko na sinagot ang sinabi niya dahil napansin din niyang dumudugo pa lalo ang braso ko kaya ginamot na niya.

Nang matapos ay pinag-pahinga muna ako sa kama roon dahil kakatahi pa lang ng sugat ko. Binigyan naman ako ng mga gamot ng nurse para mas mapabilis ang paggaling ko.

Umalis na din kaagad si Lycus matapos niya akong gamutin. Sakto din kasing may emergency na kailangan siya kaya pumunta muna siya roon.

He didn't even bother to say goodbye at me. Bastos talaga. Pero sino nga naman ako? Isa lang naman akong hindi hamak na isa sa mga pasyente niya.

Sa totoo lang ay bored na bored na ako dito sa emergency room. Ang dami din kasing tao at halos marindi na ako sa sobrang ingay niya. Kahit may kurtinang nakatakip sa side ko ay rinig ko pa din sila.

Dumaan na dito si Demeter. Dinalhan lang niya ako ng prutas na animong para naka-confine ako dito. Sira ulo talaga ang isang iyon, pero umalis na din siya kaagad dahil sasabihin niya din kay Boss ang nangyari saakin.

Kinuha ko ang bag ko sa may bed side table at kinuha ang phone. Tinawagan ko lang naman ang isa sa mga malapit kong kaibigan maliban kay Demeter para bisitahin ako dito, baka hindi siya aware na na-hospital ako.

Gladly, isang ring ko lang ay kaagad niyang sinagot.

"Hey, Darius!" unang bati ko sa kabilang linya.

"What is it, Axi?" bungad niya saakin, boses bagong gising pa ang kanyang boses.

"Bagong gising ka ba?" tanong ko dahil baka mamaya ay nakaka-istorbo ako sakanya.

Tinignan ko tuloy ang wrist watch ko. It's already 3pm in the afternoon kaya baka nasa duty ngayon si Darius dahil isa siyang pulis. Nakilala ko siya noong high school ako.

Naging kaklase ko kasi siya noong high school hanggang sa naging close kami. Nahiwalay nga lang kami noong college pero sino ba namang mag-aakala na magiging ka-close ko pa din siya? Maliban kay Demeter ay si Darius ang isa sa mga lalaki kong kaibigan.

Actually, wala akong kaibigang babae. Hindi naman sa malandi ako pero mas prefer ko lang na magkaroon ng kaibigang lalaki. Don't get me wrong, naiintindihan ko ang ibang nang-huhusga saakin, sinasabihan pa nga nila akong malandi dahil puro lalaki ang kaibigan ko.

Saakin lang, mas gusto ko ang lalaking kaibigan dahil mas pure sila kaysa sa babae. Hindi naman sa hate ko ang magkaroon ng kaibigang babae pero alam niyo 'yon? I just like being friends with boys kasi alam kong tunay sila.

"Hindi, nasa duty ako, bakit?" sagot niya.

Huminga ako ng malalim at pinag- laruan ang daliri na nasa lap ko. "Nasa hospital a--" hindi na ako nakasalita nang narinig ko agad ang sigaw niya.

"What!? Bakit ka nand'yan!? May masamang nangyari sa'yo, 'no? Sinasabi ko na nga ba na sobrang panganib talaga ng trabaho mong 'yan. Sa susunod kasi ay mag-ingat ka!" halos mapatalon ako sa tono ng boses niya.

Napangiwi ako. Sanay na talaga ako sa gan'yan istilo niya pero kahit paano ay hindi ko pa rin maiwasang mapatawa sakanya. Para kasi siyang tatay kung umasta saakin.

I chuckled. "Kalma! Nagamot naman na ako pati sa braso lang. Sabi ng Doctor ay kaunting pahinga lang tapos makakalabas na ako. Kung gusto mong pumunta, p'wede naman." natatawang ani ko sakanya.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon