Chapter 7
Care
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang dugo na dumadaloy sa tagiliran ni Lycus. Alam kong para sana saakin tatama ang bala ng sniper ngunit ang natamaan ay si Lycus dahil nakaharang siya saakin.
Muling bumalik ang tingin ko sa itaas kung saan doon ko nakita ang isang lalaking may hawak na sniper na siyang may gawa nito kay Lycus. Normal na saakin ang mga gan'yang bagay dahil na nga sa trabaho ko pero hindi naman ako papayag na may ibang madadamay na inosenteng tao.
Dali dali kong nilapitan si Lycus na ngayon ay naka-upo na sa sahig habang naka-hawak sa tagiliran nito na walang humpay pa din ang dugo. Ilang beses siyang napapangiwi dahil alam kong masakit iyon.
Natataranta na ako. Hindi ko alam kung anong uunahin, mas inisip ko ang kapakanan ni Lycus. Tinulungan ko siyang takpan ang tagiliran niya upang hindi siya maubusan ng dugo. Pinatayo ko din siya at inakay papasok sa appartment ko.
Kanda-ugaga pa ako sa paghahanap ng susi sa isang kamay dahil sa kabila ay naka-akay saakin si Lycus. Nang sa wakas ay nabuksan na ang pinto ay dali dali kong hiniga sa sofa si Lycus na ngayon ay alam kong nahihirapan na.
Kinuha ko kaagad ang phone ko. Tinawagan ko si Darius at sinabihan siyang pumunta na kaagad dito. Laking pasasalamat ko na wala siyang duty ngayon kaya kaagad siyang nakapunta dito.
"Anong nangyari dito?" takang tanong niya nang makita ang duguan na si Lycus.
Saakin siya nakatingin at inaabangan ang sagot ko. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at sinenyas si Lycus na naghihinalo na sa sobrang sakit. Mukhang nakuha niya ang ibig-sabihin ko dahil dali dali niyang inakay si Lycus.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Nasa likod ng sasakyan si Lycus habang ako ay nasa passenger's seat at si Darius naman ang driver. Halos ilang beses ko na ding pinag-lalaruan ang daliri ko.
Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kay Lycus. He was shot and that is because of me. Alam kong noong una palang ay saakin na dapat tatama ang baril, hindi ko namalayan na nakaharang pala si Lycus roon dahilan para siya ang tamaan ng bala.
Napatingin nalang ako sa bintana. Mabilis ang maneho ngayon ni Darius dahil emergency at may kasama kaming duguan dito. Hindi ko naman kayang tignan si Lycus sa ngayon dahil nagu-guilty lang ako.
Ngunit hindi na din nakayanan ng sarili ko ang sumilip sakanya. Nakita ko siyang nakapikit lang ang isang mata habang ang isa ay mulat. Sinabihan ko din siya kanina na 'wag siyang pipikit.
S'yempre alam niya ang mga dapat gawin dahil doctor siya. Pinunit niya kanina ang kauting tela ng kanyang damit upang takpan ang duguang tagiliran niya at gumana naman iyon, kaya nga lang ay hindi mo maiiwasang masaktan dahil may bala roon.
Napapikit ako ng mariin. Sa susunod ay dapat hindi na siya lumalapit saakin lalo na sa mga public places dahil delikado na sa ngayon. Naalala ko tuloy ang mga tauhan ni Mr. Lim, maaaring nahanap nila ako tapos maghihiganti.
Okay lang sana kung saakin lang, e. Walang problema iyon saakin dahil kaya ko 'yon i-handle. Pero kung may madadamay ibang tao tapos inosente pa? Hindi kaya ng konsensya ko iyon, kaya sana hangga't maaari ay ayoko na ulit ito maulit.
Sa wakas ay nakarating na din kami sa hospital kung saan doon din nagta-trabaho si Lycus. Bakas ang gulat sa mga nurse sa emergency room nang makita ang duguan na si Lycus.
"Ano pong nangyari kay Doc?" alalang tanong ng nurse.
"He was shot," si Darius ang sumagot dahil alam niyang wala pa ako sa sarili.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...