Chapter 29

2.1K 58 14
                                    

Chapter 29

Alive

Nang marinig ko palang ang boses na iyon, agad kong naibagsak ang phone ko dahil sa gulat. Napamaang na lamang ako sa hangin at hindi makapag-salita. Sino iyong tumawag? Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon.

Sana nagkakamali lang ako. Baka isa nanaman ito sa mga panaginip ko, or worst ay baka dahil kung ano ano na ang naiisip ako, hindi ko na maiwasang mag-hallucination.

Hermione ang tawag saakin ng mga kapwa secret agents ko, kasama na doon si Demeter pero kapag hindi naman oras ng misyon ay malaya nila akong tinatawag sa totoo kong pangalan. Hindi kasi p'wedeng tawagin sa totoong pangalan kapag nasa misyon kaya may mga code names kami.

Kaya naman nang narinig ko ulit ang pangalang Hermione ay bigla akong kinalibutan. Alam kong maraming p'wedeng tumawag saakin sa ganoong pangalan pero bakit… parang kakaiba ang kanyang boses?

Iniisip ko kung kaninong boses ko ba iyon narinig dahil pamilyar talaga siya. Hindi naman si Demeter, imposibleng siya dahil alam ko ang kanyang boses, at isa pa ay unregistered number ang tumawag saakin.

Sa huli ay bumalik ako sa loob ng kwarto namim at nandoon si Lycus na mahimbing na natutulog. Ilang beses ko pa muna siyang tinitigan at kalaunan ay kahit nalilito na ako sa ibang bagay, nagawa ko pa ding ngitian siya.

Humiga na ako sa kama at doon ay pumikit, pero ilang oras pa man ang nakalipas ay hindi pa din ako makatulog at nanatiling nakatitig lang sa kisame. Hindi ko talaga makalimutan ang tumawag na iyon saakin.

Paano kaya kapag hinayaan ko siyang mag-salita? Makikilala ko kaya siya? Malamang. Ako lang naman kasi itong over react dahil medyo kinilabutan talaga ako sa boses na iyon.

Hindi ako mapakali kaya dinampot ko ang phone ko sa side table. Iniisip ko kung masamang tao kaya itong tumawag saakin? Posible kayang isa lang itong patibong?

Huminga ako ng malalim at binuksan ang aking phone. Medyo nagdadalawang isip pa talaga ako kung itetext ko siya pero tatanungin ko lang naman kung sino siya, sana lang ay sagutin niya ako.

Ako:

Hi, sino ka? Bakit mo akong tinawag na Hermione?

Iyon ang sinend ko sakanya at pagkatapos ay muling pumikit ng mariin at binalik na ang phone sa side table. Siguro ay bukas ko nalang iyon sasagutin kapag nag-reply na siya, madaling araw na ngayon at kailangan ko nang matulog.

Kaya naman kinaumagahan, nang magising ako ay phone ko na agad ang kinuha ko. Inaasahan kong may reply galing sakanya pero doon ako nagkakamali. Wala manlang bahid ng kahit ano mula sakanya.

Prank caller? Pero bakit ganoon, hindi siya nilulubayan ng utak ko.

"Okay ka lang? Kakagising mo lang, phone na agad ang hawak mo." halos mapatalon pa ako sa boses na narinig ko sa tabi ko.

Napahawak tuloy ako sa dibdib ko at damang dama ko doon na ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakalimutan kong katabi ko nga pala si Lycus.

I only smiled at him. "Ayos lang ako," pagsisinungaling ko sakanya.

He sighed. "Really? Looks like not. Come on, p'wede mo namang sabihin saakin kung anong problema. You know, no more secrets, right?" masuyong sinabi niya saakin.

Napatitig muna ako sandali sakanya. Tama siya. No more secrets na dapat kami, nang dahil doon kasi ay nagka-sira sira kami. Dahan dahan akong tumango sakanya at ngumiti.

Sasabihin ko sakanya. Wala naman sigurong masama roon? I mean, dapat hindi ko na ginagawang big deal ang mga bagay na ito.

"Someone called me last night, tinawag niya akong Hermione. And that's my code name in our work. Tapos, medyo kinalibutan pa ako sa boses na narinig ko. Well, hindi naman na iyon big deal saakin." kwento ko sakanya.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon