Chapter 17

2K 71 48
                                    

Chapter 17

Caught

Tinuruan ako ni Lycus mag-surfing. Hindi ko nga alam na ganito pala siya kagaling pagdating sa mga bagay na ito. Well, limang taon naman ang lumipas nang hindi kami nagkikita kaya wala na akong mas'yadong alam sakanya.

Mabilis niya akong naturuan. Madali lang pala talaga ito gawin, akala mo lang noong una ay mahirap. Madali niya din akong naturuan kahit na naiilang pa ako sakanya.

Nang pina-try niya akong gawin iyon ay laking gulat ko nang nagawa ko ang tama. Sumabay ang apak ko sa surfing board sa alon na umagos papunta saamin. Halos mapatawa pa ako nang mabasa kami parehas.

So ang ending namin ay parehas kaming pagod at nagutom. Napag-pasyahan naming dalawa na kumain dito sa restaurant para naman kahit paano ay may makakakain kami.

"What do you want?" tanong niya saakin habang ang mata ay nakatingin sa menu na hawak niya.

Nag-angat ako ng tingin sakanya at kalaunan ay tinignan din ang menu para makapili ako ng akin. Nanliit pa ang mga mata ko habang binabasa ang menu, para kasing wala akong magugustuhan sa mga iyon.

Tumikhim ako. "Mango shake," sabi ko dahil sa mga naka-lagay sa menu ay iyon lang ang nagustuhan ko.

Tumango siya at binaba ang menu 'saka tinawag ang waiter na lumapit naman kaagad saakin. Matapos sabihin ni Lycus ang order ko at order niya ay muli niyang binalik ang tingin saakin.

"Sigurado kang mango shake lang ang gusto mo? Ayaw mo ng rice?" tanong nito at halos hindi pa makatingin saakin.

Tipid akong tumango at hindi na siya sinagot. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa aking phone. Sinasagot ko lang naman ang mga texts saakin ng magkapatid na sila Darius at pagkatapos no'n ay wala na akong ginagawa.

Actually, kanina, habang tinuturuan ako ni Lycus na mag-surfing, hindi ko alam pero parang ang gaan lang kasi ng pakiramdam ko. Kahit alam ko na ang tinatago niyang sikreto, parang pandalian iyong nawala saakin.

Siguro ay kaya din magaan ang pakiramdam ko, dahil siguro napasa ko na kay Boss ang mission ko. Ibig sabihin ay wala na akong misyong iintindihin dahil natapos ko na lahat ng iyon.

Naalala ko tuloy ang sinabi ko na pagkatapos ng misyong ito ay iiwan ko agad siya, parang ghosting ako ganoon pero hindi ko alam kung kaya ko pa iyong gawin ngayon, gayong nahuhulog na muli ako sakanya.

Next year ay lilipad na ulit ako papunta sa states. Doon ko na siguro iiwanan si Lycus. Maybe now, I should spend my time on Lycus dahil alam kong panandalian lang naman ito at hindi din magtatagal.

Kalaunan ay dumating na ang order namin. Kanin pala ang inorder ni Lycus kaya tinanong niya ako kung sigurado ba siya sa order ko. Tanghali na kasi ngayon at mango shake lang ang nagustuhan kong kainin.

Unang tikim ko pa lang sa mango shake na ito ay napapikit na ako ng mariin sa sobrang sarap niyon. Para bang, ito ang pinaka-the best na mango shake na natikman ko so far.

Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni Lycus na malamang ay napansin ang naging reaksyon ko nang tikman ang mango shake. Imbis na pansinin siya ay inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pag-inom.

Kalaunan, hindi nagtagal ang oras at lalabas na sana kami ni Lycus sa restaurant na iyon nang may maka-salubong kaming isang babae.

"Lycus!" sigaw ng isang babaeng kung titignan mo ito ay mukha siyang sopistikada.

Lumapit naman si Lycus doon sa babae at binati din ito pabalik. Ako naman ay nanatili lang sa gilid nila at hindi malaman kung anong gagawin. Sa huli ay humalukipkip na lamang ako at umirap sa hangin.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon