Chapter 16

1.9K 66 14
                                    

Chapter 16

Set Up

Nasa dalampasigan ako ngayon at nagpapalamig. Pagkatapos ng nalaman ko kanina ay lumabas ako sa suite namin at dito kaagad ako dumiretso. I don't want to see Lycus right now.

I'm mad and confused at the same time. Hawak hawak ko ngayon ang isang bagay na nakuha ko sa slacks na suot noon ni Lycus. Ayokong mag-isip ng iba pero nasa harapan ko na mismo ang ebidensya.

Muli akong suminghap at tinanaw nalang ang dagat. Saktong gabi ngayon kaya naman sobrang lamig ng hangin na umihip sa gawi ko. Niyakap ko ang aking sarili at dinama ang sariwang hangin.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito sa dalampasigan pero basta ang gusto ko lang ay mapag-isa ngayon lalo na sa mga nalaman ko.

I've been asking myself simula kanina pang. How did he do this? I mean, kilala ko ang Lycus noon na minahal ko pero bakit bigla siyang nagbago? I just can't help but to think kung bakit niya nagawa ang mga ito.

"You can't sleep again?" halos tumalon ako sa gulat nang makarinig ako ng boses mula sa likod ko.

I looked at him with no expression in my eyes. Nakatayo siya sa likod ko at wala siyang ka-alam alam na nabuking ko na ang tinatago niyang sikreto.

Naiinis ako sa mukha niya. How can he be so angelic face like that kung sa loob niya ay may tinatago pala siya? Tama nga siguro ang sabi nila, hindi lahat ng mabait ang mukha ay mabait din ang kalooban.

Imbis na sagutin siya ay muli akong tumalikod at binalik ang tingin sa dagat. I know I cannot talk to him right now. Hindi pa handa ang puso kong masaktan sa kung anong sakaling sasabihin niya.

Narinig kong bumuntong hininga siya at kalaunan ay narinig kong lumapit siya saakin. Naramdaman kong tumama na ang aking likod sa dibdib niya sa sobrang lapit niya saakin ngayon.

Ako naman ay hindi nalang iyon pinansin at sa halip ay nagpatuloy nalang sa pag-tingin sa dagat at sa mga butuin mula sa itaas. Kay gandang tanawin ng mga iyon kaya hindi ko maiwasang maluha.

Sandaling katahimikan ang namayani saaming dalawa. Hindi na siya muling nagsalita, siguro ay dahil napansin niyang wala akong balak kausapin siya at wala ako sa mood. Ang hindi niya alam ay galit na talaga ako sakanya.

Muli siyang huminga ng malalim. Hindi ko alam pero nararamdaman kong gusto na niya akong kausapin pero wala siyang mamutawi sakanyang bibig. Siguro ay tinatantya pa niya kung paano ako kakausapin.

"Axilla?" tawag niya saakin pero gaya ng sinabi ko ay hindi ko ulit siya pinansin.

Humalukipkip na lamang ako habang nakatanaw pa din sa dagat. Kahit gusto ko na siyang kausapin at tanungin sa mga bagay na nakita ko ay parang hindi ko magawa. Hindi ko alam pero basta ay natatakot ako.

Handa na akong ipasa ito kay Boss dahil alam kong sapat na ebidensya na ito laban kay Lycus. Kanina, bago ako pumunta dito sa dalampasigan ay kinuhaan ko na ng litrato ang nakuha kong droga sa slacks ni Lycus at s'yempre ay pinicturan ko din ang natutulog na si Lycus.

Labag sa kalooban ko ang gagawin ko pero para saan pa at naging secret agent ako kung duwag naman pala ako pagdating sa taong mahal ko? Kahit pa naging duwag ako ay tatalikuran ko muna ang pagmamahal sakanya dahil iyon naman ang tama.

"Is there any problem? Uhm, are you angry to me?" parang nag-aalangang tanong niya saakin, para ding ayaw niya itong itanong pero naitanong niya pa din.

Pasimple akong huminga ng malalim at sinigurado kong hindi niya ako maririnig. Ang sakit sakit lang kasi. Kung bakit kasi kailangang ako pa ang gumawa ng misyong ito, at kung bakit ako pa ang magdadala sakanya sa presinto.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon