Chapter 13

1.9K 76 13
                                    

Chapter 13

Love

Nagising nalang ako nang naramdaman kong nakahiga ako sa malambot na kama. Nang unti unti kong idilat ang aking mga ay ngayon ko lang natantong nasa isang hospital pala ako.

Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Dapat ay magpapasagasa na ako sa mga sasakyan roon sa daan pero how come na bigla nalang akong nandito sa hospital? Nabangga nga ba ako pero hindi lang tuluyang namatay?

Sinuri ko naman ng tingin ang buong katawan ko, wala naman akong makitang malubhang sugat maliban lang sa kaunting galos na nakikita ko sa may bandang balikat ko pero maliban doon ay wala na.

Pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito. Siguro ay may tumulong saakin at baka nga tuluyan akong nabangga pero sad to say ay hindi ako namatay. Sayang nga, e. Hamakin niyo 'yon, dalawang beses na akong nagbalak pero bakit parang may pumipigil saakin.

Nagugutom na ako. Nakakainis alalahanin na kahit saan akong magpunta na lugar ay ayaw nila akong pagbilhan ng pagkain. Mabuti nalang dito sa hospital, libre pagkain pero may babayaran naman akong bill.

Ang naroon lang ay kanin na may soup kaya ayon nalang ang kinain ko kaysa naman hindi ako tuluyang kumain at baka talagang mamatay na ako, gaya nga ng sabi ko ay mas gusto kong mamatay nang diretso nalang at hindi na mararanasan ang sakit sa katawan.

Kumain na lang ako. Mabuti nalang at wala akong kasama dito sa loob ay ginawa ko kung anong gusto kong gawin. Pakiramdam ko nga ay para na akong patay gutom sa sobrang bilis kong kumain.

This is heaven. Sa isang linggo ko ba namang hindi kumakain ay hindi na ako nagtaka kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko. Napahawak ako sa tiyan nang matapos kumain at kalaunan ay dumighay nalang.

Sa totoo lang ay medyo nakakaramdam pa ako ng gutom. Alam ko naman na ang kinain kong iyon ay hindi sapat para sa isang linggo kong walang kain pero wala naman akong magagawa dahil baka mamaya pa ako dadalhan dito ng nurse ng pagkain.

Halos mapatalon pa nga ako nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang nurse na duty para i-check ang kalagayan ko. Kinamusta niya lang ako at sinabi ko namang kumain na ako nang nakalagay na pagkain sa side table.

"Sinong nagdala saakin dito?" kuryoso kong tanong sa nurse.

Lumingon siya saakin. "Si Sir po, hindi po niya binigay ang pangalan niya pero sabi niya po ay mamaya daw ay baka bumisita siya." sagot nito.

Tumango nalang ako. Gusto kong buksan ang social media ko or kaya ang phone ko para manlang matignan, kaya lang ay naalala ko na baka mamaya ay kung ano ano nanamang panibagong issue ang nakahanda saakin.

Wala, e, doon kasi masaya ang mga tao. Ang gagaling magpakalat ng kung ano ano tapos ang mga ibang tao naman ay sige lang ng sige kahit naman hindi talaga nila alam kung anong totoong nangyari.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog kanina, nakakahiya din namang itanong ko pa iyon sa nurse at baka mamaya ay hindi niya din pala alam.

Sa huli ay umidlip nalang muna ulit ako. Nang magising ako ay tinignan ko ang orasan at nakitang alas kwatro na ng hapon, ibig sabihin ay uwian na namin. Nagtataka tuloy ako kung hinanap kaya ako ng iba pa naming prof or kahit no'ng mga kaklase ko kaya?

Alam kong alam ko na ang sagot. Malamang ay hindi naman nila ako hahanapin dahil una sa lahat ay wala naman silang pake saakin. Marahil ang iba ngayon ay iniisip na tuluyan na akong nagpakamatay pero doon sila nagkakamali.

Ewan ko nga ba. Pursigido na ako kanina habang tumatawid sa daan tapos sa isang iglap ay magigising nalang akong nasa isang hospital na ako at kasalukuyang nagpapagaling. Ang galing lang talaga ni tadhana, nakakainis na.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon