Chapter 19
Baby
Agad akong bumalikwas ng bangon nang mamulat ko pa lang ang aking mga mata. Bumalot naman agad saakin ang isang puting silid at ang puting kurtina. Pakiramdam ko ay parang nasa langit na ako.
Humawak ako sa aking sentido nang bahagya nanaman akong nahilo at sumakit sa hilo dahil sa biglaang pagbangon. Inalala ko ang mga nangyari at ang naalala ko lang ay tumatakbo ako sa mga kalaban hanggang sa nakarating ako sa daan at doon ako bumagsak.
Hindi ko maalala kung paano ako nadala sa hospital na ito. Siguro ay wala talaga akong malay. Tinignan ko din ang kamay ko at may mga nakasabit doon na kung ano ano.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ng sofa at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita si Darius na nakahiga sa sofa at naka-uniform pa ito na mukhang galing pa yata sa trabaho at binisita ako.
"Darius!" sigaw ko sakanya para magising siya.
Kaagad siyang bumangon at sinuri ang buong paligid. Kalaunan ay kinusot niya ang kanyang mga mata at tinignan muna kung may muta ba siya. Pagkatapos ay tumingin siya saakin at lumapit agad.
"Hey, buti naman gising ka na!" halos sigaw niya saakin at sinuri ang buong katawan ko.
Natawa naman ako sa inasta niya. "Bakit, ilang oras na ba akong tulog?" tanong ko sakanya.
He sighed. "Ilang oras? Isa't kalahating araw ka nang tulog, Axilla." halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Seriously, isa't kalahating araw na akong tulog? Napailing ako at hindi makapaniwala. Bakit naman ako matutulog ng ganoong katagal gayong hindi naman ako natamaan ng bala at wala din akong sakit.
"Hindi ako natamaan ng bala, bakit bigla nalang akong bumagsak sa daan?" kuryosong tanong ko sakanya.
Tinignan niya ako gamit ang nag-aalalang mga mata at kalaunan ay nagkibit balikat siya. "Pupunta ang Doctor dito mamaya para sabihin ang lumabas na test mula sa'yo. Baka daw kasi mamaya ay may kung anong mayroon kaya ka nahimatay." malungkot na sabi niya.
Biglang bumagsak ang balikat ko. Sa totoo lang ay nag-aalala ako para sa sarili ko. Paano nalang kung anong lumabas doon sa test ko? Baka mamaya ay may kung anong sakit ako kaya napapadalas ang pananakit ng ulo ko at ang minsang pagduduwal.
Natigil ako sandali sa huli kong naisip. Nahihilo at naduduwal? Agad kong piniling ang aking ulo at umiling nalang dahil alam kong imposible ang naiisip ko. Tama. Sobrang imposible... no'n.
Huminga na lamang ako ng malalim. Pinakain nalang muna ako ni Darius ng pagkain na hinanda para saakin galing sa hospital. Ang ulam ko kasi ngayon ay steak.
Akmang bubuksan pa lang ni Darius ang takip nang makita ko pa lang ang laman ng pagkain ay parang masusuka nanaman ako. Wala sa sariling napatakip ako sa aking ilong at pinigilang masuka.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong saakin ni Darius at hinagod ang likod ko.
Agad akong umiling at nanatiling nakatakip sa aking ilong. Pilit kong winawaski sa harapan ko ang hawak hawak niyang plato. Nakakadiri at nakakasuka ang amoy no'n. Although, kumakain naman ako ng steak pero kakaiba ang amoy niya.
Halos paluin ko ang kamay niya para alisin sa harapan ko ang pesteng steak na iyon. "Ilayo mo sa'kin 'yan! Ang baho, baka panis na!" pahisterya kong sigaw sakanya.
Agad namang kumunot ang noo ni Darius at kalaunan ay nilapit sa ilong niya ang plato at inamoy niya iyon. Nang maamoy ay mukha namang hindi siya nabahuan. Tinikman pa nga nito ang steak at hindi ko maiwasang mapangiwi.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...