Chapter 18
Blood
"All this time, ikaw ang nanloloko sa ating dalawa. Hindi ako tanga para hindi malaman na kaya mo lang naman ako binalikan ay dahil para sa isang misyon mo, hindi ba?" dugtong pa nito.
I can't speak. I can't even look at him. I was caught in the act. Tila natulos ako sa kinatatayuan ko. Wala na talaga akong takas dito dahil alam kong nakita at nalaman na niya ang buong katotohanan.
Suminghap ako at kumapit sa aking dibdib. Parang kinakapos ako ng hininga, kanina ko pa kasi pinipigilan ang hikbi ko kaya siguro hindi na ako makahinga. Hindi ko naman kayang ipakita sakanyang nanghihina na ako.
I sighed. "I-I can explain..." sabi ko sabay angat ng tingin sakanya at nakita ko siyang namumula na din ang mga mata.
Ilang beses akong kumurap at nag-babaka sakaling namamalikmata lamang ako pero kahit ilang beses ko na iyon gawin ay gano'n pa din ang nakikita ko. I just can't believe that he is crying too. Malamang ay sobrang sakit nito sa part niya.
Kasalanan ko naman talaga. Bakit kasi hindi nalang ako tumanggi sa Boss ko kahit isang beses lang. Bakit kasi hindi ko nalang pinasa sa iba ang mission na ito, nang sa gayon ay hindi ako mahihirapan ng ganito.
Pero heto na, e. Wala na akong magagawa kasi nagawa ko na nga. Nahanap ko na nga ang ebidensya at natapos na ang mission ko pero ano namang kapalit no'n? Ang kapalit ay nawarak lamang ang puso ko.
Umiwas ako ng tingin sakanya nang tinitigan niya ako sa mga mata. Hindi ko siya kayang makatitigan kahit ilang segundo manlang kasi guilty ako, pakiramdam ko ay malulusaw na ako sa sakit kapag tinitigan ko pa ang maamo niyang mukha.
"Explain everything. I will let you." nagulat ako nang sabihin niya iyon, he is such a understanding person.
Alam kong pag-papaliwanagin niya ako pero alam ko ding magagalit lalo siya saakin kapag ipinaliwanag ko na ang lahat. Ilang beses akong bumuntong hininga at lumunok ng malalim, sinusubukan ko pang kumuha ng lakas.
"You're right, I'm a secret agent. Matagal na ako sa trabahong iyon, tayo pa nang nagsimula akong maging secret agent. Oo at sinikreto ko iyon kasi ayokong mag-alala ka, natatakot din akong madamay ka sa mga gulong ginagawa ko." pag-amin ko sakanya.
Nakatingin na ako ngayon sakanya at hinihintay ang kanyang reaksyon. Bahagyang napaawang ang labi nito at kalaunan ay pumikit siya ng mariin at ginulo ang buhok nito na animong frustrate na frustrate niya.
Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ako dahil hindi naman siya nag-salita sa sinabi ko pero pinakita niya lamang ang kanyang ekspresyon. Nanatili siyang tahimik kaya naman ginawa ko iyong sign para magpa-tuloy ako.
I bit my lower lip. "Noong nawala ako at nagpanggap na patay, may matinding rason kung bakit ko iyon ginawa... Sa kalagitnaan ng misyon ko, hindi sinasadyang may makakakita sa mukha ko na isa sa mga kalaban, at noong araw na iyon ay nabaril ako sa likod. Ilang araw akong walang malay hanggang sa nagising nalang ako na nasa ibang bansa na at nalaman kong ipinalabas sa mga mahal ko sa buhay na patay na ako." hindi ko na napigilang tuloy tuloy na bumuhos ang luha ko.
Muli kong na-alala ang lahat. Noong magising akong nasa states na ako. Noong magising akong parang hindi ako kumpleto. Nagising ako na nag-aalala para sainyo, lalo na para sakanya pero hindi ko nalang iyon sinabi.
Muli akong umiwas ng tingin sakanya at pinunasan ang aking luha. Pinaypayan ko naman ang aking sarili gamit ang aking kamay para nang sa gano'n ay kumalma naman ako kahit kaunti lang.
"You fooled us. That's the shortcut." punong puno ng pait ang kanyang boses nang sabihin niya iyon.
Pumikit ako ng marin. I understand him. Kaya naman siya nagkaka-ganito ay dahil may nagawa akong masama sakanya. Naiintindihan ko kung bakit ganito nalang kabilis na lalayo ang loob niya saakin.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...