Chapter 4
Investigate
Katahimikan ang nabalot saaming dalawa ni Lycus. Nang sinabi niya ang katagang iyon ay bigla akong napa-ayos ng upo. Sino ba namang hindi? The man with the authorities is now in front of me. Talagang nakaka-intimida siya.
Ilang beses din akong lumunok, parang mawawalan ako ng boses kung sakaling tatanungin niya man ako tungkol sa invesment kuno ko. Isa pa ay kinakabahan ako dahil baka mahalata niya ako.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na mag-aksaya ng oras para lang makita ko siya. Parte ito ng misyon ko kaya wala din akong magagawa, ito ang plano ko para magawa ko ng matino ang pinapagawa saakin ni Boss dahil hindi ako p'wedeng pumalpak dito.
Kung tutuusin ay madali na nga ito para saakin dahil kilala ko siya at kilala niya ako, hindi na ako mahihirapan ang mag-imbestiga sakanya dahil paniguradong hindi siya mag-iisip ng iba saakin.
Pero sa ngayon? Sa uri ng titig niya saakin, ang nakaka-intimida niyang tingin ay siyang nakakapag-pagunaw saakin. And I really swear, gusto ko nang umatras pero hindi talaga p'wede dahil wala akong choice.
"So, how much will you invest?" napalunok ako nang tanungin niya iyon saakin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago sumagot. "1 million," sabi ko habang hindi makatingin sakanya.
Sandali siyang tumahimik kaya nilingon ko siya. Nang lumingon ako ay nakita kong naka-taas ang gilid ng labi niya at may tinatagong ngisi pa saakin. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
"Why on my company?" he asked while still holding his smirk.
I sighed. "As I said, I become interested on your company so I just tried." pagkasabi ko niyon ay tinitigan ko siya sa mga mata.
He nodded. May hawak siyang ballpen at pinag-lalaruan niya pa iyon sakanyang labi, ako naman ay halos umiwas ng tingin sakanya dahil parang malulusaw ang buong katawan ko.
Ano ba! Kanina ko pa sinasabing parang malulusaw na ang katawan ko pero hanggang ngayon naman ay nasa harapan pa din niya ako.
"Okay. You just need to sign these papers and we're done." he said and handed me a paper.
Kaagad ko naman iyong kinuha. Hindi ko na binasa para magmukhang sanay na talaga ako sa mga ganitong bagay. Baka kasi kapag binasa ko pa ay magtaka lamang ako at mahalata niya pa, masira pa tuloy ang pinaplano ko. Pagkatapos kong pirmahan ay kaagad ko iyong binigay sakanya.
Habang binibigay ang papel sakanya ay nanatili lang siyang nakatitig saakin na animong may ginawa akong hindi maganda. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay pero siya naman ay humalukipkip lang sa harapan ko.
"Why? Is there any problem?" kinakabahang tanong ko, baka kasi mamaya ay kung ano palang nakalagay doon sa papel at tinitignan lang niya kung talagang seryoso ako.
Umiling siya, nanatili pa din talaga ang tingin niya saakin. Iniisip ko kung may ginawa ba akong masama sakanya para tignan ako ng ganoon pero wala naman. I just shrugged at my thoughts and look away at him.
"Nothing. Since you've already signed it, we're done now." he stood up after he said that.
Tumayo na din ako. Noong una ay hindi ko pa alam ang gagawin ko pero base sa mga napapanood ko sa TV ay nakikipag-shake hands sila sa may ari ng kompanya, ganoon kasi sa mga business kemerut.
So I did that, naglahad ako ng kamay sakanya. Noong una ay naramdaman ko pang bahagya siyang natigilan pero kalaunan ay kinuha niya na din ang kamay ko at nag-shake hands lang kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...