Chapter 27
Sacrifice
"He's dead… paano natin iyon sasabihin sakanya? Paano kapag gumising na siya, malamang madami siyang katanungan sa isip niya."
"Ipag-santabi kaya muna natin iyon? Baka mag-aalala lang siya, baka nga umalis pa iyon dito. Ang bilin pa naman ng doctor ay dito muna si Axilla ng mga ilang araw, mabuti nga at hindi sila napahamak ng batang dala niya."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa mumunting bulungan na naririnig ko. Nang makita ko kung sino, sila Demeter at Darius lang pala.
Dahil nga nakatalikod sila saakin, hindi nila alam na gising na ako at ayoko iyong ipaalam sakanila. Gusto ko pang marinig ang mga pinag-uusapan nila. Kanina, kakarinig ko lang ang salitang "he's dead", kaya naman kinakabahan ako lalo.
Kaunting nakamulat lang ang mga mata ko para hindi nila mahalatang gising na ako. Para silang mga dagang nagtsi-tsimisan doon. Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa, iisipin mong para silang mga tsismosa mong kapitbahay.
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa aking tiyan at napangiti dahil ligtas naman ang baby ko, iyon din ang narinig ko sa usapan nilang dalawa ni Darius.
Hindi ko nga alam kung ilang araw na ba akong nandito sa hospital, or kung ngayon lang ba ako nagising. Basta ang huli kong natatandaan ay iyong may narinig akong pag-sabog, pagkatapos no'n ay nawalan na ako ng malay.
Nang maalala ang mga pangyayaring iyon ay parang nanlamig ako bigla. Si Lycus, si Lyander. Kamusta na ba sila? Pinagdadasal ko na sana ay ligtas silang dalawa, na sana ay bago naganap ang pag-sabog, nakalayo silang tuluyan.
Sana nga ganoon ang nangyari… sana ay mali ang iniisip ko.
Hindi ko na nakayanan ang aking sarili at napahikbi nalang, dahil din doon ay dali dali akong nilingon ng dalawa kong kasama. Bakas sakanila ang gulat nang makitang gising na ako.
Nag-aalala silang lumapit saakin. "Axilla, kanina ka pa gising?" parang kinakabahang tanong saakin ni Darius.
Hindi ko alam kung anong isasagot. Malamang ay nag-aalala sila saakin dahil baka narinig ko ang usapan nila kanina. Narinig ko nga iyon pero hindi pa malinaw saakin ang lahat, at gusto ko iyong linawin sakanila.
I sighed. "Anong nangyari?" tanong ko habang hindi makatingin sakanilang dalawa.
Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata na nagka-tinginan silang dalawa, kalaunan ay pasimpleng kinurot naman ni Demeter si Darius at ganoon din siya. Para bang kinakabahan sila.
Kinakabahan din ako lalo sa pinapakita nila saakin. Ayokong isipin na baka tama ang hinala ko pero bakit parang iyon ang pinapakita nila saakin iyon? Tinignan ko silang dalawa, halo halong emosyon ang nasa mukha nila.
Lumunok si Demeter bago lumapit saakin. "'Tsaka na namin sasabihin sa'yo kapag maayos na ang pakiramdam mo." sabi nito ng diretso saakin.
Napabuntong hininga ako. "Maayos na ang pakiramdam ko," pagsasabi ko ng totoo sakanya.
Muling nagka-tinginan silang dalawa. Hindi ko na talaga maintindihan ang dalawang ito, alam kong may mga nalalaman na sila pero ayaw nilang sabihin iyon saakin dahil iniiisip nilang hindi pa maayos ang pakiramdam ko.
"Bilin kasi ng doctor, huwag ka daw muna naming bigyan ng stress kaya naman magpahinga ka nalang. May tamang oras para malaman mo ang katotohanan." seryosong sabi naman ni Darius, wala kang makikitang kaba sa boses niya.
Ilang beses akong kumurap doon. Ibig sabihin ay talagang may nalalaman na sila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang sabihin iyon saakin, pakiramdam ko tuloy ay sobrang lala no'n.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...