Good Day! This is where Axilla and Lycus' story ends. I know it looks like I just finished it quickly but that's really all. Many thanks to those who tirelessly supported me 'til the end, I love you dearly. I hope you can still support me at my another stories and series to come. The next is Wakas!
Always remember that your present situation is not your final destination. The best is yet to come... kaya laban lang tayo lagi!
Chapter 30
Set
Lumipas pa ang ilang linggo na laging ganoon ang senaryo. Madalas na talaga akong maduwal, tapos minsan pa ay kung ano anong weirdong mga pagkain ang pinapabili ko kay Lycus. Sabi nga ng doctor ay dapat daw na habaan pa ni Lycus ang pasensya pagdating saakin.
Nag-bibihis na ako ng damit ngayon dahil may pupuntahan kaming dalawa ni Lycus. Dapat talaga ay noong isang linggo pa kami pupunta doon, pero dahil sa kalagayan ko ay ngayon nalang dahil maayos naman na ang pakiramdam ko.
Ilang beses akong bumuntong hininga. This is it. Kung ano man ang kalabasan ng pagpunta ko roon ay bahala nalang. Ang mahalaga ay pinuntahan ko naman sila.
Nang makatapos na sa pag-aayos ng aking sarili ay agad kong tinawag si Lycus na agad namang pinulupot ang kanyang braso saaking beywang. Alam kong alam niyang kinakabahan ako ng sobra.
"Huwag kang kabahan, parents mo naman iyon." mahinang sinabi saakin ni Lycus habang naglalakad kami sa lobby.
Tumango ako sakanyang pagpapalubag-loob. Kahit pa siguro parents ko sila, hindi maitatangging kinakabahan pa din ako lalo na at hindi naman kami in good communication ng magulang ko.
I wonder kung hanggang ngayon kaya ay galit sila saakin? Pinagdadasal ko na sana ay hindi. Sana ay mapatawad nila ako sa mga kasalanang nagawa ko noon. Sana ay kausapin na nila ako ng matino, iyong hindi nauuwi sa sakitan.
Kinakabahan ako lalo na nang nandito na kami mismo sa tapat ng bahay ko, kung saan ako dati nakatira bago ako pinalayas saamin. Napahigpit tuloy ang kapit ko kay Lycus, alam kong naramdaman niya iyon.
Sabi niya ay sabihin ko daw sa magulang ko ang totoo, ang mga nangyari saakin nitong mga nakaraang buwan, sabihin ko din daw na buntis ako dahil baka sakaling lumambot sila saakin.
Sana lang ay huwag nila akong saktan, dahil baka hindi lang ako ang mapahamak lalo na at may bata na sinapupunan ko. Muli akong huminga ng malalim at mas lalong hinawakan si Lycus.
"Here we are," sabi nito at sabay siya na ang lumapit papuntang door bell at pinindot na iyon.
Ewan ko ba, kinakabahan pa din kasi talaga ako. Tumingin ako sa sahig at doon ko pinag-laruan ang mga daliri ko. Naririnig ko mula sa loob ang boses ng magulang at kapatid ko. Ang saya talaga nila.
Wala sa sariling napangiti ako ng mapait. Aware naman ako doon na parang mas masaya sila kapag wala ako sa bahay, baka nga iyon din ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nila akong pinalayas noon.
Nang bumukas na ang gate, agad akong nag-angat ng tingin. Si Roxanne ang bumukas ng pinto. Nanlalaking tumingin siya saakin, at kalaunan ay bumaba iyon sa tiyan ko na parang gulat na gulat.
"A-Ate?" nauutal na sabi niya at parang hindi pa ito makapaniwala.
Medyo nagulat pa ako nang tinawag niya akong Ate. The last thing I remembered, Axilla nalang ang tawag niya saakin. Para tuloy akong biglang nabuhayan ng pag-asa sa tinawag niya saakin.
Ilang beses akong lumunok at kalaunan ay tumingin kay Lycus na nakatingin din saakin. Parang nababasa ko ang naiisip niya.
I sighed, lumapit ako kalaunan sa kapatid ko. "Roxanne..." naiiyak kong tawag sakanya.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...