Chapter 15

2.2K 67 12
                                    

Chapter 15

Confirmed

Napatitig na lamang ako sa kisame habang inaalala ang lahat ng nakaraan namin ni Lycus. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nag-mahalan at kung paano ako nasali sa agency na iyon.

Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Inaasahan kong dadating dito sa suite ko si Lycus pero hindi naman siya dumating. Ang sabi kasi ng receptionist ay siya ang makakasama ko dito.

Ayos na saakin iyon. Wala namang malisya na saakin, pwera nalamg kung mag-iisip siya ng iba. Isa pa ay malawak naman ang kama dito sa suite kaya sigurado akong hindi ko siya makakalapit mas'yado.

Nag-talukbong na ako ng comforter nang marinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako magtataka kung paano niya nabuksan ang pinto dahil malamang ay binigyan din siya ng babae ng isa pang card.

Kalaunan ay narinig ko na ang yabag niya papalapit saakin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, basta ay pumikit na lamang ako at nagpanggap na tulog kahit naman hindi niya ako kita.

Narinig kong lumapit siya sa side table ay halatang may nilagay siyang kung ano doon. Sumilip ako ng kaunti sa kaunting siwang sa comforter at nakita ko siyang nilagay yata ang relo at phone niya sa side table.

Siguro ay alam niyang tulog na ako kaya hindi na niya ako kinausap. Maya maya pa ay narinig kong lumayo muli ang yabag niya at kalaunan ay nakarinig nalang ako na sumarado ang pinto sa cr kaya alam kong baka maliligo na siya.

Nang nalaman kong nakapasok na siya sa cr ay 'tsaka lamang ako lumabas mula sa comforter. Ilang beses akong huminga ng malalim dahil sobrang init kanina, pinilit ko lang ang sarili ko.

Inayos ko muna ang buhok at ang mukha ko. Sinigurado ko ding maayos ang suot ko para naman mamaya paglabas niya ay mukha akong presentable sa harapan niya, hindi iyong mukhang dinaanan ng bagyo.

Lumipas ang ilang minuto ay narinig kong tumigil na ang shower mula sa loob kaya naman humiga na ulit ako pero hindi ako nag-talukbong ng kumot dahil ayokong mainitan nanaman.

Narinig kong bumukas na ang pinto kaya pinikit ko na ang mga mata ko kahit naman hindi pa ako matutulog dahil hindi din naman ako makatulog ngayon. Kanina pa kasi ako matutulog sana, kaya nga lang ay bigla ko nalang naalala ang nakaraan kaya hindi ako makatulog ngayon.

Lumapit na ang yabag niya sa pwesto ko at kalaunan ay naramdaman ko nalang na parang may humiga na sa kama sa katabi ko. Bali ang pwesto ko ngayon ay nakatalikod sakanya.

"Cannot sleep?" halos mapatalon ako nang bigla siyang nagsalita.

Hindi ko alam kung lilingon ba ako o kung ano. Baka kasi mamaya ay trap lamang ito. Pero paano ba naman niya kasi malalaman na hindi talaga ako tulog? Hindi naman ako halatang nagpapanggap.

Sa huli ay pinanatali kong pikit ang aking mata at hindi siya pinansin. Pinanindigan ko ang sinabi kong magpapanggap akong tulog para hindi siya makausap tulad ng ginagawa niya ngayon.

Narinig ko na lamang na suminghap siya at pagkatapos no'n ay hindi na siya muling nagsalita. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko kaya hindi ko maiwasang hindi ma-ilang kahit na ang sinabi ko ay walang malisya iyon saakin.

Ang pagpapanggap kong tulog ay nauwi sa totohanan. Hindi ko nga namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog. Nagising na lamang ako na magaan ang aking pakiramdam at nakayakap sa malambot na unan.

Nakangiti akong dumilat pero ganoon na lamang ang gulat ko nang malaman kung sino ang yakap yakap ko. Hindi pala iyon isang unan, kung hindi ay isang tao!

Nakayakap ako kay Lycus nang magising ako habang ang paa at binti ko naman ay nakayakap sa binti niya. Ang ulo ko ay nakalagay sa dibdib niya at siya naman ay nakayakap saakin!

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon