Chapter 8

2.6K 95 13
                                    

Chapter 8

Red

Mabilis na lumipas ang araw. Halos tatlong araw na ding nasa hospital si Lycus. Ang sabi naman ng doctor ay maayos na ang sugat sa tagiliran ni Lycus, kaya nga lang ay kailangan pa siyang ma-observan ka mananatili muna siya sa hospital.

Ako naman, kada umaga lang ako nakakadalaw sakanya dahil sa gabi ay may ginagawa kaming ibang misyon as a secret agent. Naiintindihan iyon ni Lycus, at isa pa ay wala namang kami para hindi niya 'yon maintindihan.

Bumili muna ako ng prutas sa super market dahil mamaya ay dadaanan ko roon si Lycus. It's his third day now na nasa hospital. Sinabi niya nga saakin na gusto na niya daw umuwi pero bawal pa daw sabi ng doctor.

Nag-aalala din kasi siya dahil baka kung ano na ang nangyayari sa kompanya niya, pati hindi din siya mapakali habang nasa loob ng kwarto sa hospital samantalang baka daw maraming mangailangan sakanya sa emergency room.

Mabuti nalang at to the rescue ang isa niyang kaibigan dahil siya muna ang pansamantala na namamahala sa kompanya ni Lycus habang siya ay nagpapagaling pa.

Kasama ko naman ngayon si Demeter, dapat talaga si Darius ang isasama ko kaso ay over time daw siya ngayon sa presinto kaya si Demeter nalang ang isinama ko.

Kanina pa nga ako badtrip sakanya sa katunayan. Paano ba naman kasi, ang sabi ko ay bibilhan ko lang ng prutas si Lycus pero maya maya ay kinakain na niya ang prutas na para dapat sa bibisitahin namin.

Inilingan ko nalang siya sa katakatawan niya. "Bayaran mo 'yan, ha!" singhal ko sakanya.

Natatawang tumango na lamang siya. Kaya mas gusto ko na si Darius ang kasama ko lagi ay dahil seryoso siya, samantalang itong si Demeter ay kabaligtaran niya. P'wede na nga siyang maging clown.

Pagkatapos kong bumili ng prutas at iba pang pagkain ay kaagad naman naming tinungo ang hospital gamit ang sasakyan ni Demeter. Nang nakarating ay pumunta na kami sa kwarto niya.

Bahagya pa akong natigilan nang makitang hindi solo roon si Lycus. Kasama niya roon ang step brother niya na si Stephen. Siya iyong nakita ko noong nakaraang araw na sinasabi kong medyo kamukha ni Lycus at hindi nga ako nagkakamali.

Sabay silang tumingin saaming dalawa ni Demeter kaya nahihiyang ngumiti na lamang ako at lumabas na muli para bigyan sila ng privacy.

Hindi kalaunan ay lumabas na din si Stephen. Nang makita ako ay binigyan niya lang ako ng isang ngiti at inilahad saakin ang bukas na pinto kaya naman sinuklian ko siya ng ngiti at sabay na kaming pumasok ni Demeter sa loob.

Bumungad naman saakin ang nakahiga na si Lycus. Malakas naman na siya ngayon at kailangan nalang niya ng kaunting pahinga. Baka daw sa isang araw ay p'wede na siyang lumabas kapag maayos na ang sugat niya sa tagiliran.

"Good Morning!" masayang bati ko sakanya sabay lumapit para ilagay ang isang basket ng prutas sa bed side table niya.

Tumango naman siya at ngumiti na din pero hindi saaking pwesto siya nakatingin, imbes ay nakatingin siya sa likod ko kung saan nandoon ang pwesto ni Demeter.

'Tsaka ko lang naalala na, oo nga pala na hindi niya kakilala si Demeter. Ngayon ko lang kasi siya dito sinama at ang palagi kong sinasama sa pagbisita kay Lycus ay si Darius kaya marahil ay nagtataka siya kung sinong kasama ko.

Hinigit ko si Demeter para mapalapit saakin dahil hindi ko alam kung saan ang itinatahak niya. Papunta kasi siya sa banyo kaya naman hinila ko siya para mapabalik sa pwesto at maipakilala kay Lycus.

"Lycus, si Demeter nga pala, kaibigan ko. Demeter, si Lycus." pakilala ko sakanila sa isa't isa.

Naglahad naman ng kamay si Demeter pero si Lycus ay tinitigan lang iyon at madilim ang tingin dito. Kinagat ko ang ibabang labi dahil ako na ang nahihiya kay Demeter.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon