Chapter 21

1.9K 81 3
                                    

Chapter 21

Talk

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Kinakabahan ako na natatakot dahil baka mamaya ay may makakita saakin, or baka mamaya ay magising si Lycus tapos mahuli niya ako dito. Natatakot akong baka paalisin niya lang ako.

Nandito ako para kausapin siya at para sabihin sakanya ang totoo, pero bakit ba sobrang lupit talaga ng tadhana? Bakit kinailangan ko pang madatnan silang dalawa doon na nasa ganoong posisyon.

I guess, karma really hits me. Siguro sa ginawa kong panloloko kay Lycus ay ito ang igaganti ng tadhana saakin. Aaminin kong nagkamali ako pero nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon dahil iyon ang misyon ko. Isa pa, walang kahit isang beses na nawala sa isip ko si Lycus.

Napaupo nalang ako sa sahig at doon inubos lahat ng luha ko. Nasa tapat ako ng pinto ng kwarto ni Lycus. Kahit gusto ko ng umalis dito ay parang hindi makagalaw ang paa ko. Parang nakapako ako sa sahig, natatakot akong gumalaw.

Sa totoo lang ay gusto ko nalang tumakbo at iwanan siya, kasi baka kung anong isipin niya kung bakit ako pumunta dito. Isa pa ay kasama niya si Nami... na sinabi niya saaking kaibigan lang daw no'ng asawa ng kapatid niya, pero... bakit ko sila nadatnan sa ganoong posisyon?

Tumayo na ako at inayos ang aking sarili. Heto nanaman ang aking sarili, nagiging mahina nanaman ako. This is what I hate for myself. Pagdating sa mga ganitong bagay, pakiramdam ko ay katawan ko na mismo ang sumusuko.

Pagkatapos ng ilang minutong nandoon ako ay nakatayo na din ako sa wakas. Iniisip ko pa kung aalis ako. Nakakahiya naman kay Lycus na madadatnan ako dito tapos makikita niya pa ang pugto kong mga mata.

Sa huli ay umalis na ako sa lugar na iyon. Pinindot ko na ang elavator para bumukas iyon pero laking gulat ko nang bumukas agad iyon at lumabas ang maraming kalalakihan. Sa tingin ko ay mga bodyguard sila at dito nagta-trabaho.

Bakas sakanilang mata ang gulat nang makita nila ako at ganoon din naman ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na nang tutukan nila ako ng baril. Bigla akong natakot sa sarili ko at para sa anak ko kaya umatras ako ng ilang hakbang.

"Sino ka?" galit na tanong ng isa sa mga lalaking nakatutok ang baril sa harapan ko.

Sa totoo lang ay sobra na akong nilulukob ng kaba. Paano ba naman, ilang baril ang nakatutok sa harapan ko at sobrang dami ding mga kalalakihan ang nasa tapat ko ngayon. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ang lalaki ng katawan nila tapos ilalaban saakin?

Kahit isa akong secret agent at sanay sa labanan, hindi ko magawang labanan sila dahil baka mapahamak lang ang dinadala kong bata. Ayokong mangyari iyon. Ayokong magkamali ako.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay para patigilan sila. Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko. Sasabihin ko bang ex ko si Lycus? Kaibigan? Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

I sighed. "Pakibaba no'ng baril, please?" pakiusap ko sakanila dahil natatakot akong baka kalabitin nila bigla ang gatilyo.

Nanatili naman silang naka-ganoon ang baril saakin. Hindi nila iyon ibinaba. Iyong iba ay mapanuring nakatingin saakin. Iyong iba ay hinahagod ng tingin ang aking katawan, mula ulo hanggang paa na para bang may makikita sila doon.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?Ka-ano ano mo si Sir Lycus?" mariing tanong saakin ng isa sa mga kalalakihan.

Lumunok ako. Sino nga ba ako sa buhay ni Lycus? Napapatanong nalang ako sa aking sarili. Muli ay huminga ako ng malalim.

"Kaibigan niya ako, kaya puwede ba ay pakibaba ang mga baril niyo." pakiusap ko ulit sakanila.

Again, hindi nila ako sinunod dahil hindi naman ako ang boss nila. Iilan man ang nagbaba ng baril pero ang nasa harapan ko pa din ay nakatutok ang baril sa harapan ko. Parang galit nga ito.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon