[Warning: R-18]
Chapter 28
Hermione
Halos maiyak lalo ako nang sa bibig na mismo ni Lycus lumabas ang mga nalaman ko. Kin'wento niya saakin noong dumating daw si Lyander, kung paano daw siya nito niligtas sa huling sandali.
Hindi ko pa rin lubos na maisip na kaya niya pala iyong magawa. Mali pala ang impression ko sakanya. May magandang puso pala siya, at nito ko lang iyon nalaman kung kailan wala na siya.
Hinayaan naman ako ni Lycus na umiyak dahil naiintindihan niya ako. Yakap yakap niya lang ako habang walang tigil akong umiiyak sa bisig niya. Iniisip ko kasi kung paano iyon nagawa ni Lyander.
Okay naman na daw si Lycus. Mabuti nalang at hindi daw mas'yadong malakas ang pagkakabagok niya sa bato. Hindi naman siya napilayan dahil ikalawang palapag lang naman ang tinalon niya.
"Kamusta ang baby natin? Matagal akong nawala, sana okay lang siya." tanong niya saakin pagkatapos ng ilang minuto.
Ngumiti naman ako sakanya. Para kasing tinutunaw ang puso ko kapag sinasabi niyang baby daw namin. Excited na tuloy akong lumabas siya kahit sobrang tagal pa no'n.
Kalauanan ay humawak ako sa tiyan ko. "Okay naman, nabibigyan naman ako ng vitamins para mas lalong lumakas ang kapit ng baby natin." sabi ko.
Ngumiti naman siya at kinuha ang kamay ko para halikan iyon.
"I can't wait to see our little angel…" he softly said habang hinahaplos ang tiyan ko.
Para ding may humaplos sa puso ko nang ginawa niya iyon. Miski ako din ay hindi na makapag-hintay. Medyo lumalaki na din ang tiyan ko, pero ayokong maging mas'yadong excited dahil matagal pa naman siyang lalabas.
Sa hospital muna mags-stay ngayon si Lycus dahil nag-papagaling pa siya kahit stable na ang kalagayan niya, iyon din kasi ang utos ng doctor kaya naman binibisita ko lang siya doon minsan.
Isang linggo ang lumipas nang sa wakas ay p'wede nang umuwi si Lycus. Talagang naghanda ako ng mga pagkain dito sa condo para pag-uwi niya, saktong may kakainin kami.
Hindi talaga ako pupunta doon para sunduin siya at ihatid dito sa condo niya. Balak ko siyang supresahin sa pamamagitan ng pag-luluto ng mga paborito niyang pagkain.
Kaya naman nang natapos na ako ay naligo na agad ako. Tinext ko si Demeter kung papunta na ba sila dito at nang sinabi niyang papunta na sila ay agad naman akong nag-bihis.
Pupunta din dito sila Demeter at Darius dahil gusto lang daw nila. Para ngang ilang araw kaming hindi nagkita. Kahapon lang naman sila umalis dito sa condo dahil sinabi kong kinabukasan ay uuwi na din agad naman si Lycus.
Nang tumunog ang doorbell ay agad ko iyong tinungo. Isang malaking ngiti agad ang binungad ko nang makita doon sila Lycus na kakadating lang. Nginitian ko siya at agad na niyakap.
"Welcome home!" sabi ko sabay halik sa labi niya.
Patatagalin ko pa sana iyon nang nakarinig ako ng tikhim mula sa kasama niya kaya agad akong napatigil at agad na humiwalay sakanya. Hinila ko na siya papunta sa kusina para ipakita ang mga niluto ko para sakanya.
Kita ko ang galak sakanyang mukha, pagkatapos ay pinagilid niya ang kanyang mga mata sa buong condo niya. Malamang ay na-miss niya ang lugar na ito, halos dalawang linggo ba naman siyang nandoon sa hospital.
"Ikaw ang nag-luto n'yan?" kalaunan ay tanong niya saakin nang madako na kami sa dining area.
Masigla akong tumango. "Yes! Lahat iyan paborito mo." sabi ko sabay ngiti ng parang bata sakanya.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...