Chapter 6
Trouble
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako saglit kung hindi lang ako nagising sa kalampag sa itaas. Kaagad naman akong bumangon at akmang tatanggalin na sana ang comforter na naka-tabon saakin, kaya lang ay naalala kong wala pala akong suot na damit at tanging boxer lang ni Lycus.
Nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina ay muling uminit ang pisngi ko. Wala na, bumigay na nga ako ng tuluyan sakanya. Hinayaan ko siyang gawin kung anong gusto niya at ako naman ay sobrang tanga.
Dahan dahan akong bumangon sa kama at nagulat ako nang may makita akong dalawang paper bag na nasa bed side table. Nang silipin ko ang nasa loob ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang nakitang damit iyon at isang sandals.
Wala sa sariling napangiti ako. Alam ko naman na para saakin ito dahil para kanina pa nga ba? Kinuha ko ang damit at ang sandals na nasa paper bag at tinungo ang banyo para makapag-palit.
Isang simpleng long sleeves dress lang siya, sa katunayan ay nagtataka ako kung bakit long sleeves siya tapos hanggang sa ibaba ng tuhod ko ang haba. Siguro ay kaunting haba nalang nito ay baka magmukhang madre na nga ako, tapos pinaresan lang siya ng isang cute sandals.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili sa salamin. Pumunta ako sa hamba ng pintuan at nilock iyon para kung sakaling papasok man siya dito ay kakatok muna iyon, baka mamaya ay mahuli niya nanaman ako.
I took my chance again. Chineck ko muna ang buong paligid kung mayroon bang CCTV at laking pasasalamat ko nang wala akong makita sa loob ng kwarto niya, siguro ay for privacy.
Tinahak ko muna ang daan patungong kama niya. Naicheck ko na ito kanina pero wala akong nakita dahil nagmamadali ako, pero ngayong hindi na ako dapat kabahan ay naging mas kampante ako.
Tinanggal ko lahat ng unan na nasa kama. Laking gulat ko nga lang nang nakakita ako ng baril sa ilalim ng unan. Nang hawakan ko ito at sinuri ang baril ay nalaman kong tunay nga ito kaya agad ko iyong binitawan.
Napamura nalang ako sa sarili ko. Gulat na gulat pa din ako kasi hindi ko inaasahang may baril pala si Lycus tapos nakatago sa ilalim ng unan niya. I mean, bakit siya may tinatagong baril sa ilalim ng unan?
Then, realization hits me. Naalala kong may pinatakbo siyang sariling kompanya ng mga bodyaguards kaya sigurado akong lisensyado ang baril na ito, at malamang na mayroon siya dahil lang sa trabaho.
Huminga ako ng maluwag at muling binalik ang unan sa dati nitong pwesto dahil baka mamaya ay mahalata niyang parang may ginalaw ako kaya binalik ko nalang. Hindi naman sapat na ebidensya iyong baril na magsasabing isa siyang drug dealer.
Sa huli ay kinuhaan ko nalang ng litrato ang buong kwarto niya kasama ang ilalim ng unan kung saan naroon ang kanyang baril. Just in case lang naman ito pero hindi ito kasama sa mga ipapasa ko kay Boss.
Kalaunan naman ay tinungo ko ang cabinet niya, doon ako hindi makapunta punta dahil ang isang drawer niya ro'n ay naka-lock. Pinuntahan ko iyon at akmang bubuksan ulit kaso naka-lock pa rin iyon.
Naging kuryoso pa tuloy lalo ako. Iniisip ko kung ano kaya ang maaaring itago 'dyan ni Lycus? I mean, kung baril lang naman ang laman niyan ay bakit kailangan pang naka-lock? Or else, baka iba ang nakatago d'yan.
Sinubukan kong haluglugin ang cabinet niya at nandoon ang mga damit niya. Sinubukan kong hanapin sa bawat bulsa kung may susi bang nakatago dahil baka nandoon ang susi ng drawer na iyon.
Naiirita na ako dahil halos abutin na ako ng ilang minuto pero wala pa din ako nakakapa na susi. Hanggang sa nakarinig nalang ako ng katok mula sa pinto kaya bigla nalang akong nataranta.
BINABASA MO ANG
Setting Fire on Roses (CNS#1)
RomanceCasa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary, he's a multi-tasking, bright individual. He can tell if you're lying or not since that's his ability, and he's well-known for it. His existe...