Chapter 12

2K 67 70
                                    

Chapter 12

Comfort

We stayed like that for a while. Nakatayo siya sa harapan ko at ganoon din ako. Nakapamulsa pa nga siya habang nakatingin saakin kaya pinantayan ko ang tingin sakanya. Naiinis ako sa presensya niya sa totoo lang.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. I can say that he's a little bit handsome. Mas nadepina din ang kanyang buong katawan dahil fit na fit sakanya ang suot nitong polo.

And speaking of polo. We have the same color of uniforms. Dito kasi sa school namin, magka-iba ang kulay ng juniors sa seniors na katulad ko kaya masasabi kong isa din siya sa mga seniors.

Hindi ko maiwasang bigyan siya ng isang ngiwi. Paano ba naman kasi, niligtas niya lang naman ako sa bingit ng kamatayan ko. Kung hindi sana siya sumulpot ay e'di sana, pinaglalamayan na ako ngayon.

"Sino ka ba?" naiinis kong tanong sakanya.

Kanina ko pa talaga siya tinatanong kung sino ba siya at ang kapal niyang pumapel sa buhay ko. Kahit tinanong ko naman ang pangalan niya ay hindi niya ako sinagot at sa halip ay kung ano anong sinabi niya.

"Hindi ako sinuka, inire ako." sarkastikong sabi niya sabay halakhak ng malakas.

Kung siya ay natatawa, pwes ako hindi. I only gave him a disgusting look. "Wow, salamat sa matinong sagot." sabi ko sabay irap.

"Welcome!" natatawang sabi niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

I don't get with this guy. He seems to be jolly. Ang kapal ng mukha niya na ipaglandakan saakin na masaya siya samantalang ako ay lugmok na lugmok nanaman sa sarili.

Baka nakakalimutan nitong lalaking ito na balak kong magpakamatay? Hindi niya ba naisip iyon nang dumating siya para iligtas ako? Kung ganoon, ang insensitive niya naman yata, nagawa pa niya akong tawanan talaga.

"Why did you came? At isa pa, paano mo nabuksan ang pintuan, e may kandado 'yon." nagtatakang tanong ko sakanya at tinignan ang pintuan sa may rooftop at nakitang tanggal na ang kadena doon.

He just smiled at me. "Nakita kita kanina na pa-akyat dito sa rooftop. Sinundan kita and I got curious kung anong gagawin mo dito hanggang sa nakapasok ka dito at sinabi sa guard na may hahanapin ka. Tapos nakita ko nalang mula sa kaunting butas sa pinto na magpapakamatay ka na pala." seryosong sabi nito.

'Tsaka lang bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga nang makita ang kamay niyang maraming sugat at dugo na halata mong galing iyon sa kadena.

I sighed. "Look at you, nasugutan ka pa para iligtas mo ako. Wala din naman nang saysay ang buhay ko kaya bakit ka pa nangielam?" naiinis na sabi ko.

"Look at you too, you looked so messy. At anong sinasabi mong walang saysay ang buhay mo? Mayro'n... hindi mo lang nakikita pa 'yon." sabi niya at tinuro ako mula ulo hanggang paa.

Humalukipkip ako sa harap niya. "Bakit ba ang epal mo? Patay na sana ako ngayon kung hindi ka lang dumating!" galit na sabi ko sakanya.

Nawalan naman ng emosyon ang mukha niya. Ang kaninang nakangiting mukha ay ngayon ay parang napalitan na iyon ng galit at inis, parang nagagalit siya sa sinabi ko.

"Don't you ever say that. At saan ka sa tingin mo dadalhin kapag nagpakamatay ka? Do you even know na kasalanan sa Diyos ang suicide? Why don't you just wait for your right time, hindi iyong pangungunahan mo." walang emosyong sinabi niya.

Hindi ko maintindihan sa lalaking ito. Bakit kung makapag-salita siya ay parang kilala niya ako? Or baka kilala niya nga ako dahil kalat na kalat na ang scandal ko dito sa buong school namin.

Setting Fire on Roses (CNS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon