CHAPTER SEVEN

57 39 0
                                        

Chapter Seven

"May na pa pansin talaga ako dito kay clea eh!" Mamaya'y sabi na naman ni mika kaya napa tingin sa kanya ang tropa.

"Ano ba kase yon clea?" Tanong din ni Leigh.

"Eto pa bitin pa e ikaw ibitin ko jan tignan mo" Iritang sabi ni channa.

"Fine sa sabihin ko na" sabi ko at naupo sa gitna nila.

"Im not single anymore" seryosong sabi ko kaya bigla silang natahimik

"Psh yon lang pala" nag la larong sabi ni ely.

"Ano ulit yon?! hindi kana single?" nanlalaki ang matang tanong ni ely.

"Oh wag oa" inis na sabi ko at inirapan sya.

"Oy tol bago yan!" sabi na naman nya kaya binatukan sya ni mika.

"Sinong naka angkin sayo?" Tanong ni Leigh.

"Duh syempre si ethan" irap ko.

"Seryoso ka na jan?" Seryosong tanong ni channa.

"Kelan ba ko nag loko?" taas kilay na sagot ko sa kanya.

"Hala bhie may sakit yata si clea" natatawang hampas ni channa kay mika.

"Gusto mong ikaw ang mag ka sakit channa? Inis na sabi ni mika at gumanti ng hampas kay channa.

"Aray ko mika ha masyadong malakas yon!" angal ni channa sa kanya.

"Tumigil na nga kayo jan bar tayo mamaya libre ko" Sabi ko.

"Ayon sulitin namin yan ah minsan ka lang ganyan e" masayang sabi ni ely.

"Hoy anong minsan kotongan kita jan e" sagot ko.

Matapos kaming mag kwentuhan nag bihis na din kami para maka alis na.

Ethan_Zion: Hey Love

napa ngiti ka agad ako at nag reply sa kanya.

Im_Clealyn: Love Bar lang kami
paalam ko

Ethan_Zion: enjoy wag kang mag pakalasing may pupuntahan tayo tomorrow.

Napangiti ako ng ipaalala nya sakin yon.

Im_Clealyn: Yes zer reply ko.

"Hoy tara na ngiti ka pa ng ngiti jan mukha kang clown" bulyaw sakin ni channa.

"Oo na lagi kang naka sigaw para kang naka lunok ng microphone" sagot ko at sumabay na sa kanilang bumaba.

Agad na nag drive si ely pa punta sa bar na madalas naming puntahan.

"piliin mo yung pinaka mahal na alak ah" naka ngising utas ni mika sa tabi ko.

"Sige basta ba ikaw mag ba bayad ha" naka ngisi ding sagot ko.

"Edi bawal ka ng humarot sa iba?" sabi ni channa

"Never naman akong humarot ka pag may jowa na ko" sabi ko at ipinikit ang mata.

"Loyal ang lola nyo oh" natatawang sabat ni ely.

"Palibhasa hindi ka makuntento sa isa" pang aasar ni mika.

"ikaw nga hindi marunong mag seryoso e" balik sa kanya ni ely.

Nakarating kami ng mabilis sa bar dahil walang traffic.

Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa ipina reserve kong table kanina.

Pag kaupo namin dinala na din samin ang inorder kong pulutan at mga alak.

Crossing The Line [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon