Chapter 19
Nagulat ako ng biglang may humatak sakin.
pag lingon ko dito ay si aira pala,kunot noo ko syang tinitigan.
"Anong problema mo?" salubong ang kilay na tanong ko dito.
pasakay na sana ako ng kotse ko ng hilahin nya ko nandito kami ngayon sa parking lot ng hospital.
"You!" Napa pitlag ako sa biglang sigaw nya, at ano daw? ako daw ang problema nya? what the fvck?
"Anong ako?! wala akong ginagawa sayo kaya pwede ba mauna na ko!" sigaw ko din at akmang sasakay ako sa kotse ko ng muli nya kong hilahin.
Nag init ang ulo ko kaya nilingon ko sya.
"Hindi mo alam no? kaya ganyan kang umasta!" muling sigaw nya pero tinitigan ko lang sya.
"Nang dahil sayo hindi na tutuloy sa ibang bansa si ethan to take his masters!" nang gigigil na sigaw nya kaya nagulat ako, hindi sa sigaw nya kung hindi sa sinabi nya.
"A-anong p-pinag sasabi mo jan?! wala akong alam jan aira kaya pwede ba wag mo kong guluhin!" sulubong ang kilay na sabi ko pero mapakla lang syang tumawa.
"Alam mo naman na noon pa man pangarap na ni ethan yon! dahil sayo he decided to stay here!" muling sabi nya at muling hinigpitan ang pag ka kahawak sa braso ko at alam kong bumabaon na don ang kuko nya.
"Shut up aira hindi yon gagawin ni ethan!" depensa ko at padabog na tinanggal ang pag ka kahawak nya sakin.
"Huh?! hindi gagawin? pero nagawa nya na! pati ang mommy nya ay hindi na nya sinusunod dahil sayo! at dahil sayo hindi kami maikakasal!" umalingawngaw ang hiyaw na iyon ni aira na nag pa bingi sakin.
Napa hawak ako sa unahan ng kotse ko dahil pakiramdam ko ay kahit anong oras ay matutumba na ako.
"W-ala a-kong alam" bulong ko
"Talagang wala kang alam kaya pwede ba umalis ka na lang sa buhay ni ethan! hindi ka nya kaylangan naiintindihan mo?!" aira
Agad na nag init ang gilid ng mata ko dahil sa sinabi nya.
"At sino ang kaylangan nya ikaw?! ha! ikaw ba aira?!" hiyaw ko at nanginginig na ang buong katawan ko sa galit, kaya ba sinabi ng mommy ni ethan na soon ay magiging parte na din si aira ng pamilya nila dahil naipag kasundo na silang ikasal?
napa iling iling ako at naramdaman ko ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko.
This passed few days ay nagiging mailap sakin si ethan pero hindi ko yon pinansin lagi ko ding napa pansin na palaging malalim ang iniisip nya.
"Please Clea kung mahal mo talaga si Ethan hayaan mo syang tupadin ang pangarap nya" muling sabi nya.
Hindi na ko naka pag salita non.
"Hope you make a right decision clea" she said bago nag lakad paalis habang ako naka tulala lang doon habang pumapatak pa din ang luha ko.
"Huy para kang baliw jan ano ba kasing nangyari? nag away ba kayo ni ethan ano?" muling tanong sakin ni ely nan dito kami ngayon sa bar dahil inaya ko sya, sya lang din kasi ang hindi busy sa aming mag kakaibigan.
"Hindi kami nag away" simpleng sagot ko at muling nilagok ang alak tangina parang walang epekto to sakin ah.
"Eh bakit ganyan ka mugto ang mata tapos bigla bigla ka na lang nag ayang mag bar" he said kaya umiling iling lang ako at nalunod na naman sa malalim na pag iisip.
"Kung ikaw ely kaya mo bang palayain ang taong mahal mo para sa pangarap nito?" wala sa sariling tanong ko kaya napa titig sakin si ely.
"Saan mo naman na pulot yan?" takang tanong nya.
BINABASA MO ANG
Crossing The Line [COMPLETED]
AléatoirePangarap o Pag-ibig You have to choose better.. 🤔 Her: hindi Lahat ng umaalis ay babalik, at hindi Lahat ng iniiwan ay maghahabol. Lahat ay may hanganan. Him: Hindi ko hawak ang pagkakataon. Pagkakataon para sa Pangarap.. Ang Bitiwan ka saglit ay h...
![Crossing The Line [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/242977087-64-k446700.jpg)