Chapter 28
Sa lumipas na mga araw ay masaya ako dahil bumalik na din kami sa dati.
Nag pa plano na din akong i surprise sya sa birthday nya which is tomorrow.
Ang sabi nya kasi ay mag li leave daw kami dalawa kaya pumayag ako.
"Oh bat ganyan na naman ang mukha mo?" sita ko kay mika na masama na naman ang mukha.
"Gusto ko ng mag resign sa kompanyang yon!" gigil na wika nya pa bago ibagsak ang sarili paupo sa sofa.
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
"Bakit masama ba ang ugali ng boss mo?" i asked na mas lalong nag pa sama sa pag mu mukha nya.
"Sobra! parang napaaga ata ang meet up namin ni Satanas" she said and cross her arms.
"Oh ice cream mag chill ka muna" i said at inabot sa kanya ang hawak kong ice cream.
"Thanks" mika.
"By the way clea anong results?" biglang tanong nya kaya agad akong namutla.
Patay!
"A–ah e–eh ano w–wala naman mika baka kulang lang talaga ako sa kain" utal na sagot ko at nag iwas ng tingin.
bwisit naman! bat pa nya pinaalala?
"Clea kung sa ibang tao makaka pag sinungaling ka sakin hindi" she said kaya napa irap ako.
"So anong plano mo?" tanong na naman nya.
ugh kairita!
"Edi ang mabuhay ano ba pa?" pilosopong sagot ko.
"Alam na ba yan ni ethan?"
"Hindi pa" agarang sagot ko.
"Oh bat hindi mo ba sabihin?"
"Natatakot ako" napayuko ako sa aking sariling sagot
"Takot saan?" takang tanong nya.
"Baka kasi ayaw nyang mag ka anak sakin" naka ngusong sambit ko kaya agad nya kong hinampas sa aking braso na ginantihan ko namn ng pag hatak sa kanyang buhok.
Yes tama kayo im one week pregnant nag pa check up din kasi ako sa OB dahil syempre nurse ako alam ko na ang mga symptoms non nag pa check lang ako dahil malay ko ba kung may sakit na pala ako but its turns out na may munting anghel na pala sa aking sinapupunan.
Hindi ko maiwasang matakot at kabahan.
hindi ko alam kung paano kong sasabihin iyon kay ethan dahil never naman naming na pag usapan ang tungkol sa bata.
Saka malay ko din ba kung ako ba talaga ang gusto nyang maging nanay ng magiging anak nya diba? ni hindi naman namin pinag uusapan ngayon ang mga bagay na yon lalo na ang kasal!
"Eh gaga ka pala nag pa buntis buntis ka tapos ngayon matatakot ka?" nabalik ako mula sa malalim na pag iisip ng biglang sumigaw si mika malapit sa aking tenga.
Agad ko syang sinamaan ng tingin.
"Eh malay ko bang makaka buo kami akala ko ay baog si Ethan" pag bibiro ko pero inismiran nya lang ako.
"Kasalanan mo yan una kinalimutan mong mag take ng pills" she said.
so ako pang may kasalanan ha?
"Eh sa naging busy ang schedule ko sa duty! nawala na sa isip ko ang mag take ng letseng pills na yan" naka simangot na saad ko.
"Sinisi pa ang schedule tss"
"Wow maka pag salita ka jan parang hindi mo din naka limutang mag take ng pills ah? kaya nga may allison jade ka ngayon e" pakiki pag sagutan ko pa na inirapan lang nya.
BINABASA MO ANG
Crossing The Line [COMPLETED]
AcakPangarap o Pag-ibig You have to choose better.. 🤔 Her: hindi Lahat ng umaalis ay babalik, at hindi Lahat ng iniiwan ay maghahabol. Lahat ay may hanganan. Him: Hindi ko hawak ang pagkakataon. Pagkakataon para sa Pangarap.. Ang Bitiwan ka saglit ay h...