Chapter 23
"Sayang noh? akala ko single pa si doc may asawa na pala" rinig kong chismisan ng mga nurse at rinding rindi nako dahil simula pag pasok ko sa duty ay iyan na kaagad ang bumungad sakin.
"Pst fey sinong pinag uusapan nila?" i asked curiously.
"Ah si Doc.Zion yun cle may asawa na pala ano nga ulit pangalan non" nag iisip na sagot nya at parang pinanghinaan naman ako ng tuhod dahil sa narinig ko.
What do i expect? na pag bumalik sya dito ay single pa sya? wow clea ang tanga mo grabe! hiyaw ng utak ko.
"A–Ah si Doc.Aira ba?" utal na tanong ko kaya napa pilantik sya sa hangin.
"Mismo! yun nga sya nga pano mo nga pala nakilala e kakalipat lang non dito ni hindi pa nga sya ipinapakilala" clueless na tanong nya.
So naikasal na pala sila? tangina bat d ako invited? at nagawa ko pang mag biro sa isip ko sa kabila ng pananakit ng dibdib ko.
"A–ano kase ka ba–batch ko sila" utal na sagot ko kaya tumango tango sya.
"Uy alam mo isa pa ang cute ng anak nila cle! kung makita mo yung anak nila grabe parang gusto kong kidnapin" she said and giggled habang ako naka tulala lang.
Tumalikod ako at tumakbo papunta sa cr dahil ramdam kong patulo na ang luha ko.
Bakit naman kasi ganito kasakit no?
Dapat masaya nako! dapat ayos nako pero tangina lang hindi e! kabaliktaran lahat!
Ang sakit sakit lang na sya masaya na may pamilya na tapos ako? ako eto hindi pa din maka move on!
Bakit naman kasi napaka hirap mag move on? parang hindi ko ata kayang makita sila, silang masayang pamilya.
Matapos kong mag drama sa cr ay lumabas nako at pumunta sa station namin.
pero bago pa man ako makarating ay hinarang ako ng isang cute na bata na sa tingin ko ay nasa apat na taon lang.
"Hi anong pangalan mo?" i asked
"Ako po si Airborn jace Lim" bulol na sagot nya hindi ko maiwasang kurutin ang pisngi nya
"Where's your mommy? bakit nag iisa ka?" i asked again
Bigla syang nag pout kaya natawa ako dahil humahaba ang nguso nya.
"Daddy is on the operating room while my mom is busy on her office po" she said
"Jace!" tawag mula sa aking likod kaya dahan dahan akong pumihit patalikod at halos malaglag ang panga ko ng makita si aira.
S–So eto ba ang anak nila ni ethan?
ang daming tanong na pumapasok sa isip ko at parang gusto ko na lang mag laho ngayon dahil sa sakit.
"Mommy!" she said at tumakbo pa palapit kay aira.
"Bat mo tinakasan si mommy?" aira asked pero humagikgik lang ang bata
napatingin sakin si aira at nginitian ako.Hindi ko kayang ngumiti pabalik dahil alam kong magiging peke lang iyon
"Clea long time no see" she said at parang gusto kong masuka kelan pa kami naging close ng bruhang to?!
"Yeah it's been a while then you're back with a child" i bitterly said.

BINABASA MO ANG
Crossing The Line [COMPLETED]
AcakPangarap o Pag-ibig You have to choose better.. 🤔 Her: hindi Lahat ng umaalis ay babalik, at hindi Lahat ng iniiwan ay maghahabol. Lahat ay may hanganan. Him: Hindi ko hawak ang pagkakataon. Pagkakataon para sa Pangarap.. Ang Bitiwan ka saglit ay h...