Chapter 21
"Pst mika" paswit ko sa kaibigan ko.
"Bakit?" sagot nya habang nag re retouch.
"Bakit mukhang sinilaban ang mga pwet ng mga ka trabaho natin?" kunot noong tanong ko.
"HAHAHAHA grabe ka cle ah! kasama kaya ako don!" kinikilig na sagot nya kaya mas lalo akong na curious.
"Ano nga kasing meron bat hindi ako inform?" tanong ko habang nililigpit ang make up ko.
"Duh paano kang maiinform e sobrang focus mo sa trabaho killjoy mo kase" sabi nya sakin at umirap pa kaya hinatak ko ang buhok nya ng akmang lalabas na sya ng cr.
"Aray ko clea!" hiyaw nya pa at sinamaan ako ng tingin.
"Sasagot kaba o sa sagot ka?" inis na tanong ko.
"Okay fine may bagong uwing doctor usap usapan pogi daw pero ewan ko lang ha hindi pa kase dumarating e pero rinig ko mamayang lunch daw darating yon" paliwanag nya tapos na din naman syang ayusin ang buhok nyang nagulo dahil sa pag sabunot ko kaya lumabas na kami at bumalik sa post namin.
halos tapos ko na ang mga naka a sign sakin kaya pinuntahan ko na si mika sa post nya mag ka hiwalay kase kami ng lugar dito sa hospital.
Kakapasok ko lang sa elevator at kasama ko ang ilang nurse na ka kilala ko din. sasara na sana ang pinto ng may mag harang ng kamay dito ayon tuloy hindi natuloy sumara.
Pumasok ang lalaking matangkad maputi naka salamin kung titignan ay parang kaedaran ko lang pero naka yuko dahil busy sa pag se cellphone.
"Diba sya yung sinasabing bagong doctor dito sa LMH?" rinig kong bulong ng babae sa harap ko.
"Oo sya nga grabe mars ang bango" kinikilig na anang ng isa kaya napa kunot ang noo ko.
"Mira tulak mo ko dali!" impit na tili nung isa akala mo kung mag usap ay hindi sila naririnig nung doctor sa harap.
"Ako din tulak nyo ko!" sabi pa nung isa kaga napa irap ako kay la lantod amp.
saktong eto na ang floor nila mika kaya ako na ang nag tulak sa mahihitad na nurse na iyon.
kaya ayon nag kabungguan silang tatlo don sa doctor na bago nakita ko pang hinihimatay sa kilig ang mga bruha kaya napa roll eyes ako at tuloy ang pag la lakad hanggang sa matanaw ko si mika na pinapagalitan ng head nurse nila.
"Sorry po miss" naka yukong sabi pa nya hindi naman na sya pinansin at umalis na din agad ang head nurse kaya nilapitan ko na sya.
"Oh anong mukha yan?" taas kilay na tanong ko habang sya ay naka simangot pa din.
"Psh tara na nga sa canteen gutom nako" salubong ang kilay na sabi nya at hinila nako paalis doon.
Pag karating namin sa canteen as expected nag la lunch na ang iba nag hanap na ng table si mika habang ako ay umorder na ng foods namin.
kakaupo ko lang dala ang tray ng biglang lumitaw sa harap ko ang tatlong nurse na itinulak ko sa elevator.
"Thank you clea!" sabay sabay nilang sabi na abot tenga ang mga ngiti kaya gusto ko silang sipain ngayon paalis dahil naiirita ako sa mga pag mumukha nila.
"Ge tsupi na" walang hiyang sagot ko sa kanila hindi naman na sila sumagot at umalis na din.
"Bat nag pa pasalamat sayo yung mga iyon?" kunot noong tanong ni mika sakin habang inaayos ang pag kain nya.
"Eh pano ba naman kase mga mahihitad bulungan ng bulungan sa elevator na itulak daw sila don sa bagong dating na doctor e naiirita na ko sa kanila kaya ayun ako na ang nag tulak tutal nasa floor nyo na din nman ako e" walang pakeng sagot ko at nag simula ng kumain.
BINABASA MO ANG
Crossing The Line [COMPLETED]
РазноеPangarap o Pag-ibig You have to choose better.. 🤔 Her: hindi Lahat ng umaalis ay babalik, at hindi Lahat ng iniiwan ay maghahabol. Lahat ay may hanganan. Him: Hindi ko hawak ang pagkakataon. Pagkakataon para sa Pangarap.. Ang Bitiwan ka saglit ay h...