CHAPTER 26

38 23 0
                                        





Chapter 26



Kakapasok ko palang sa entrance ng hospital at ang sumalubong sakin ay mga mapanuring mata ng kapwa ko nurse.

Binigyan ko naman sila ng nag tatakang tingin pero tinaasan lang nila ako ng kilay.

Hmp! ganda ganda pa naman ng gising ko tapos eto bubungad sakin?

wtf? anong problema nila?

"Grabe ang lakas ng loob nyang landiin si Dr.Zion eh may pamilya na yon" rinig ko bulungan nila kaya mas lalong nag salubong ang kilay ko sa narinig.

Wait! what? ako nilalandi ang ethan na yon? the fvck!

"Hindi na nahiya"

"Flirt"

"Sa may pamilyadong tao pa pumatol"

"sayang ang ganda sa katangahan na punta"

halos umusok na ang ilong ko dahil sa bawat pag hakbang ko ay may nasasabi sila!

Mas binilisan ko pa ang pag lalakad dahil ayokong gumawa ng eksena sa loob ng hospital na ito nakakahiya kay ethan!

nang makarating ako sa station namin agad na sumalubong sakin si fey na naka taas na din ang kilay probably narinig na rin nya ang chismisan doon.

Ang bilis talagang kumalat ng pakingenang chismis dito!

"Sabi na e may hindi ka sinasabi sakin eh!" agad nyang sabi sabay irap pa.

bigla akong nawala sa mood kaya imbes na patulan sya ay nag ayos na ko for my duty.

"Hoy hindi ka man lang ba mag ke kwento?!" iritang bunggo nya sakin napa tingin na din samin ang iba naming kasamahan na halata mong nag hihintay din ng aking sa sabihin.

But i remain silent dahil pag nag salita ako mas lalo lang lala iyon at ayokong maka apekto kay ethan yon.

"Clea!" pangungulit pa nya pero kinuha kona ang tray ng gamot at dere deretsong umalis don para bigyan ng gamot ang pasyente ko.

i knocked the door bago ko binuksan.

When i open it nanlaki bigla ang mata ko.

Si ethan lang naman ang nasa loob at kinakausap ang pasyente.

napa tingin sya sa dereksyon ko kaya agad akong nag baba ng tingin at lumapit sa kama ng pasyente.

nilapag ko ang tray at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang titig nya sakin.

i bit my lower lips dahil ramdam ko ang pangangatal ng mga kamay ko.

"Good morning Doc Good morning Ms.Fernandez" i greeted pero tinarayan lang ako ng babaeng prenteng naka higa sa kama at ngingiti ngiti kay Ethan gusto ko tuloy syang irapan nakakainis!

"Good morning Nurse Clea" Ethan greet me back pero inirapan ko na lang sya.

"It's time to take your medicine Ms.Fernandez" i said kaya inis na binalingan nya ko.

"Can't you see i have a conversation with Doctor Ethan?!" pikong tanong nito at dahil nababanas na din ako eh sinagot ko na sya.

"Can't you see it's time to take your medicine!" pikong sagot ko dito.

nako pag ako hindi naka pag pigil dito baka maihampas ko sa kanya ang tray ng gamot nya ng gigigil nako sa kaartehan nya!

"You shut up Leave!" sigaw nya sakin at sinamaan ako ng tingin.

Crossing The Line [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon