CHAPTER 14

47 31 0
                                    

Chapter 14

"Waaaah sa wakas tapos na!" sigawan ng mga kaklase ko last subject na kasi namin at last day na din namin dahil nga sa Christmas break.

Sabay kaming lumabas ni mika na abot langit ang ngiti.

"Yes party party na naman!" tuwang tuwang sabi nya at hinahampas pa ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Gusto mong mahambalos ng folder mika?" tanong ko.

"Eto naman napaka init ng ulo mo red day?" naka ngising tanong nya kaya inirapan ko lang sya.

"Ah alam ko na" tumatango tangong sambit nya kaya muli akong napa lingon sa kanya.

"Hindi nga pala kayo mag papasko ng mag kasama ni ethan HAHAHAHA"

"Saya ka na nyan?" tanong ko dahil na ririndi nako sa bunganga nya.

"Masaya ako pag na pipikon ko yung mahilig mamikon" naka ngising sabi nya kaya pinitik ko ang noo nya.

"Aray ko naman!" angal nya at hinimas himas pa ang noo nya.

Sabay kaming pumasok sa kotse ko at nag maneho nako kaagad.

"Hoy bagalan mo naman! ayoko pang mamatay ng maaga!" hiyaw na naman ni mika.

"Itahimik mo nga yang bibig mo" sabi ko bago mag park ng sa sakyan.

"Kaya ayokong ikaw ang nag da drive e kaskasera ka!" sigaw nya ng maka labas.

"Sige sa susunod wag ka ng sasabay sakin dami mong reklamo e naka uwi namn tayo ng buo" singhal ko din at pumasok na sa loob.

Naabutan namin ang tatlong itlog sa sala at pinag uusapan na kung saan sila pupunta.

"Oh nandito na pala kayo" bati samin ni ely.

"Hindi imagination lang kami wala talaga kami dito" pambabara ko.

"Ikaw naman masyado kang hot" sabi nya sakin at inakbayan ako.

"Pano kase malamig ang pasko nyan kaya ganyan" Sagot ni mika kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"HAHAHA okay lang yan andito naman ako sa pasko" sagot din ni ely.

"Eh ano kung nandito ka?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Sasamahan kita" naka ngiting sagot nya.

"Sasamahan kitang mangaroling" dagdag nya kaya nabatukan ko sya.

"Puro ka kalokohan" sabi ko at ipinikit ang mata ko.

Napa dilat ulit ako ng biglang mag vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko.

[Ate!] Nag pa panic na sigaw sa kabilang linya kaya agad akong napa tayo.

[Oh bakit ano yon?] tanong ko na kita ko pang takang napa tingin sakin sila ely.

[Ate si daddy] Umiiyak na sabi ni lea kaya bigla akong kinabahan.

[Lea huminahon ka muna pwede ba?] pag pa pakalma ko dahil hindi ko sya maintindihan.

[Ate si daddy nasa hospital!] humihikbing sabi nya kaya agad kong kinuha ang bag ko at walang pasabing lumabas ng unit namin.

Nag drive kaagad ako ng ma receive ko ang location.

Nag mamadali akong bumaba ng sa sakyan at muntik pa kong madapa sa sobrang pag ma madali ko.

"Lea!" tawag ko dito kaya agad itong napa lingon sakin at agad tumakbo pa palapit sakin.

"Shh anong nangyari?" nang gigilid ang  luhang tanong ko.

Crossing The Line [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon