Kinabukasan ay maagang gumising si Luci dahil may trabaho na siya...Maaga siyang pumunta sa opisina..
Dahil sa nangyari sa baguio ay hindi na siya ang nagproseso ng papeles sa resort...Binigay sa ibang trabahante ang trabahong iyon...
Pagpasok niya sa opisina niya ay may binigay sa kanyang papel ang secretary niya...
Nagulat siya ng mabasa ang nakasulat sa papael na iyon...naiiyak na siya sa sobrang galit...
Pumunta siya sa opisina ng Presidente nila...
"Anong ibig sabihin nito?" padabog niyang nilagay sa mesa ng presidente ng companya...
"Marunong ka namang bumasa ano" sarcastikong sagot ng President...
"Nakasulat sa papel nayan na ikaw ay wala nang trabaho dito sa companyang ito..kaya pwede kanang lumabas" paliwanag ng president...
"Si don Lorenso ang magbigay sa akin ng trabahong ito..walang sinuman ang makakapag paalis sa akin dito" sigaw ni Luci...
"Sinong nagsabi na wala na akong trabaho?" sigaw niyang muli...
"Ako"
Napatingin si Luci sa pintuan ng may magsalita doon...nagulat si kung sino yun...
"Hindi mo ako pwedeng paalisin dito" matigas na sambit ni Luci...
"Ako ang totoong anak ni Don Lorenso kaya ako na ngayon ang masusunod sa companya ng papa ko..pinapasok parin kita dito kahit na labag sa kalooban ko pero anong ginawa mo..inagaw mo sa akin ang asawa ko...walanghiya kah" sigaw ni Jejie kay Luci tsaka siya lumapit dito...
"Huwag mo akong pagbintangan na inagaw ko sayo si Leo dahil unang una hindi naging kayo..pinakasalan kalang niya dahil sa bilin ni Don Lorenso sa kanya...at huwag mo akong sisihin kong hindi ka mahal ni Leo at ako ang mahal niya.." pagtatanggol ni Luci sa kanyang sarili...
Pagkatapos marinig ni Jejie ang mga sinasabi ni Luci ay bigla nalang niya itong sinugod at hinila ang buhok ni Luci...
"Pun9ng puno na ako sayo..lahat nalang ng akin ay inagaw mo" sigaw ni Jejie habang hawak hawak parin ang buhok ni Luci...
"Bitawan mo ako...hindi ko inagaw ang kung ano mang meron ka!" sigaw din ni Luci tsaka pinilit na makawala sa paghawak ni Jejie sa buhok niya...
Patuloy parin sila sa paghihilahan ng buhok hanggang sa mahiga na sa sahig si Luci at nagpagulong gulong sila sa sahig...
Dali dali namang lumabas ang kanilang presidente at tumawag ng mga gwardya sa labas...
Naghiwalay lang sila ng dumating ang mga gwardiya at iba pang mga trabahante doon...
Pinatayo sila isa isa ng mga tauhan doon..Nagpupumiglas parin si Jejie kahit na hinawakan na siya ng mga gwardiya...
"Hindi pa tayo tapos" sigaw ni Jejie kay Luci tsaka nagmadaling lumabas ng opisina...
Iniwan ng lahat si Luci sa opisina..nakatulala lang siya..hindi niya alam kong ano ang gagawin niya ngayong wala na siyang trabaho...
Kung tutuusin ay madali lang siyang makahanap ng trabaho dahil may pinag aralan siya pero hindi niya parin matanggap na hindi na siya nagtratrabaho sa kompanyang kinagisnan niya...
Lovelotssss...
YOU ARE READING
Your Dream is Totally Mine! [Completed]
Random"Ang lahat ng pagsubok ng ibinigay sa atin ay kaya nating lutasin kahit gaano paman yan ka hirap basta mananaig sa ating puso ang kabutihan at pagmamahal.." Just read Carefully readers ko..😊😍 Lhung04...