Chapter Five

7 1 0
                                    

Di alam ni Jejie kung bakit niya natanong yun..basta angalam niya ay sumagi lang iyon sa isip niya...

"Ahh yun..hindi kami ka ano ano ni Don Lorenso..kaya sila naging matalik na magkaibigan ng papa ko ay dahil si papa ang nagprocess ng papeles para maging legal adapted niya si Leo..kami lang ang nakaka alam ng sikreto niya..hindi niya tunay na anak si Leo..ang tunay niyang anak ay si Lucille ang anak nia kay Nelia" nagulat si Jejie sa nalaman kaya hindi siya nakapagsalita pa...

"Sana huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino" pahabol na sambit ni Charlie...

Hindi parin makapaniwala si Jejie sa nalaman niya sa pagkatao ni Leo...may namumuong saya,galit,lungkot sa kanyang dibdib na hindi na maiintindihan...

Pagsapit ng gabi ay napagpasyahan nilang dalawa na umuwi na lang...

Lumipas ang ilang araw ay ganoon parin ang mga pangyayari..nagtitiis parin siya sa mga nakikita niya tuwing dumadalaw si Leo sa bahay na tinutuluyan niya...Lagi kasu itong dumadalaw kay Luci at yayayain na mamasyal...

Sa araw na ito ay may magaganap na party sa mansyon ng mga Monteverdi  party ito bago magaganap ang kasal nila Luci at Leo...

Maraming mga bisita si Don Lorenso na dumating at ganoon din ang ikakasal...

"Bago natin simulan ang kainan ay may sasabihin muna ako sa inyong lahat" sabi ni Don Lorenso tsaka pumunta sa harapan ng lahat at ganun din sina Martin,Nelia,Luci at Leo...

Nang mkarating na sila sa harapan ay nagsigawan ang mga taong nang makita nila si Luci at Leo dahil alam nilang ikakasal na ang mga ito at ito ang gusto sabihin ni Don Lorenso sa kanila...

"Ito na nga...ang nag iisang anak kong si Leo ay ikakasal na sa aking inaanak na si Lucille...lets give a tossed para sa kanila" masayang anunsio ni Don Lorenso sa mga bisita nila...

Pagkatapos sabihin iyon ni Don Lorenso ay nagsipalakpakan ang mga bisita at itinaas ang kanilang mga dalang wine at ang iba naman ay pinupokpok ng kubyertos ang kanilang mga baso hudyat na gusto nilang maghalikan ang dalawa...

Kaya naghalikan ang mga ito pagkatapos nagpalakpakan na naman ang lahat...Pagkatapos ay nagsimuoa na silang kumain lahat...

Sa di kalayuan ay nakatingin si Jejie kay Luci at Leo...gusto niyang ipaalam sa lahat na may sanggol sa kanyang sinapupunan at ang ama ay ang papakasalang lalaki ng pinsan niya..pero hindi niya ito magawa gawa dahil wala siyang laban sa mga ito..

Isa lamang siyang hamak na probinsyana at walang pinag aralan..kung kakalabanin niya ang pinsan niya ay wala parin siyang laban rito...

Noong una ay ang habol lang nila ng tita niya ay ang pera ni Leo kaya niya ito inakit at pinahulog sa kanya pero nang dumaan ang mga araw na kasama niya ito ay hindi niya napigilan ang sarili niya na mahulog rito dahil narin sa may nangyari sa kanila at sa mabait ang trato ng lalaki sa kanya noon...

Hindi niya lubos maisip kung paano siya napasok sa ganitong problema habang noon ay wala siyang problemang inaatupag kundi ang kakainin lang nila ng tiyahin niya araw araw...

Dahil sa hindi na niya kaya ang mga nakikita niya ay tinawagan niya si Charlie at niyayang lumabas para makapag isip siya ng gagawin niya...

Pinaunlakan naman kaagad siya ni Charlie at dinala siya nito sa paboritong lugar ni Charlie..ito ay ang lugar kung saan may paligsahan ng mga kabayo...

"Madalas kaba dito pupunta?" Sambit ni Jejie at umupo sa unahang bahagi ng court...

"Ahh Oo...dito kasi ako makapag isip isip ng mabuti at nakakalimotan korin ang mga problema ko dito kahit sandali lang.." mahabang paliwanag ni Charlie kaya napatango lang naman si Jejie....







Lovelotssss...

Your Dream is Totally Mine! [Completed]Where stories live. Discover now