Nagtratrabaho si Leo sa umaga hanggang hapon sa companya tapos uuwi lang at matulog tapos babalik nanaman sa opisina niya...
Hindi niya magawang pansinin si Jejie...galit parin siya dito..
Si Jejie naman ay patuloy parin ang paglalambing sa kanya kahit na hindi si nito kinikibuan...
Sa mata ni Leo ay walang ginawang tama si Jejie...pati buhay niya ay pinakialaman nito...
Dahil wala naman sa bahay si Leo at nasa opisina ito ay niyaya ni Jejie si Charlie na lumabas...
Nagkita sila ni Charlie sa isang restaurant na malapit sa bahay nila..
"Kamusta ka naman?" tanong ni Charlie kay Jejie....
"Okay naman..bored lang" sagot naman ni Jejie tsaka sinipsip ang dala niyang yosi..
"Bat ka naman bored..." nagtatakang tanong ni Charlie sa kanya...
"Wala lang" sagot nalang ni Jejie..
Nagsimula na silang kumain at nakwentuhan narin sila...
Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na sila..may dala kasi silang kanyakanyang sasakyan kaya hindi na nahatid ni Charlie si Jejie...Pagdating ni Jejie sa bahay ay wala parin si Leo...dumiretso nalang siya sa kwarto nila...
Maya maya pa ay may bumusina na sasakyan sa gate nila..paniguradong si Leo na iyon..
Dali dali siyang bumaba para salubungin ang asawa..pagbaba niya ah hahalik sana siya kay Leo pero winakli siya nito kay kumunot naman ang kilay niya...
"Hanggang kailan ba tayo hindi mag imikan?mag asawa nga tayo pero ang turing mo sakin parang maid..mabuti panga yung maid kinibuan mo..ehh ako" sigaw niya sa asawa...
"Pwede ba tumahimik ka..nakakarindi sa taenga ang boses mo" balik na sigaw ni Leo...
"Bakit ba kasi hindi mo matanggap na ako ang naging asawa mo?at hindi yung impostor nayun" galit na sigaw ni Jejie...
Dahil sa sinabi ni Jejie ay mahigpit siyang hinawakan ni Leo sa braso..
"Anoo ba!bitaqan mo ako..nasasaktan ako" pagpupumiglas ni Jejie..
"Huwag na huwag mong masabihan ng impostora si Luci dahil wala siyang alam sa mga nangyari..pareho lang kayong biktima dalawa.." kita sa maat ni Leo ang sobrang galit..
" Sege ipagtanggol mo pa siya.." sigaw ni Jejie..
"Talagang ipagtatanggol ko siya dahil siya ang ang mahal ko hindi ikaw...selfish kah..wala kang inisip kundi ang sarili mo lang...hindi mo inisip kong may masasaktan kabang iba.." sigaw muli ni Leo pabalik kay Jejie tsaka binitawan ang braso ni Jejie...
Bigla nalang lumabas ng bahay si Leo kaya sinundan siya ni Jejie sa labas..
"Sge ..umalis ka..puntahan mo yung babaeng yun.." sigaw niya habang hinahablot ang braso ni Leo para pigilang umalis...
Pero hindi nakinig si Leo sa kanya..mas bumilis pa ang lakad nito palabas ng gate papunta sa kanyang sasakyan..
Tumakbo si Jejie palabas ng bahay at nagtungo aa labas kahit umuulan...tumakbo siya pababa ng hagdan ng gate nila ng bigla siya nadulas pababa..
Nahiga siya sa semento at basangbasa na dahil sa lakas ng ulan...paghawak niya sa may balakang niya ay may nahawakan siyang dugo...
Lalong lumakas ang iyak niya ng nakahawak siya ng dugo..wala siyang ibang naisip kong hindi ang batang nasa sinapupunan niya....
Lovelotssss...
YOU ARE READING
Your Dream is Totally Mine! [Completed]
Aléatoire"Ang lahat ng pagsubok ng ibinigay sa atin ay kaya nating lutasin kahit gaano paman yan ka hirap basta mananaig sa ating puso ang kabutihan at pagmamahal.." Just read Carefully readers ko..😊😍 Lhung04...