Maagang gumising si Luci dahil maaga siyang pupunta sa trabaho dahil may date sila ni Leo sa hapon kaya maaga din siyang lalabas mamaya sa trabaho...
"Jejie..pwede paki hatid ng gamit ko mamaya sa opisina ko ..nagmamadali kasi ako ehh..ikaw na maghatid niyan huh.." sabi niya kay Jejie kakabangon palang..
"Sige Luci..hahatid ko lang yan mamaya.." sabi naman ni Jejie at nagtungo na sa Cr upang maligo..
Pagdating ni Luci sa opisina niya ay tinapos niya ang lahat ng kailangang tapusin para wala na siyang iisipin pa mamayang hapon....
Pagdating ng Hapon ay dumating na si Jejie daladala niya ang mga damit na ipinadala sa kanya ni Luci...
" ouh andyan kana pala Jejie..sge akin na yang mga damit.." sabi niya sabay kuha ng damit niyang bitbit ni Jejie...binigyan din niya si Jejie ng pamasahe at pang meryenda niya..
"Ouh Charlie ikaw muna bahala sa pinsan ko huh.Mauna na ako..." baling niya sa kakarating lang na si Cahrlie ang anak ng lawyer ng ninong Lorenso niya na nagtratrabaho din sa kompanyang kanyang pinagtratrabahaoan ngayon...
"Ouh sge..inagt kah" sagot niya kay Luci...
Nilibot naman ni Jejie ang buong opisina ng pinsan niya...manghang mangha siya dito...
"Ang ganda naman ng opisina niya ano" manghang sabi ni Jejie..
"Mas maganda ang pinsan niya " biglang sabat ni Charlie kaya inirapan siya ni Jejie...
Inaya ni Charlie si Jejie kaya gabi na siyang umuwi sa kanila...pagdating niya nakita niya si Luci na may trinatrabaho sa mesa sa sala tsaka ang tyo Martin at tya Nelia namn niya ay nag aaway ..nagsisigawan pa...
Pumasok siya sa loob ng bahay tsaka umupo sa sala...
"Puro ka nalang bisyo..inubos mo na ang pera mo sa bisyo..hindi kapa nakuntento apti pera ko ninakaw mo rin..ang kapal ng mukha mo" rinig niyang sigaw ng tya Nelia niya...
Pupunta na sana si Jejie sa loob ng kwarto niya ng bigla nalang siyang nakaramdam ng hilo tsaka nasusuka siya...dalidali siyang pumunta salababo tsaka duon sumuka...
Narinig naman ni Luci at ng Tiyahin niya ang pagdigwa niya kaya pinuntahan siya ng mga ito...Nang hahawakan na sana siya ni Luci sa balikat ay winaksi niya ang kamay nito at itinulak palayo sa kanya...
Nagulat naman si Luci sa ginawa sa kanya...
Flashback..
Nang maka alis na sina Luci at Martin sa bahay ay nagmadaling lumabas si Jejie at nagtungo sa hospital para magpacheck up kung bakit palagi siyang nahihilo at may mga amoy ng pagkain na hindi matanggap ng sikmura niya..
Pero laking gulat niyang nang possitive ang pregnancy test niya at sabi ng doctor maselan ang pagdadalang tao niya kaya dapat ay mag ingat siya..
End of Flashback
Dali dali siyang pumasok sa kwarto niya at nilock ang pinto...alam niyang ang nangyari sa kanya kanina ay dala lang nang pagdadalang tao niya kaya natural lang iyon...
Si Luci naman kahit na naguguluhan siya sa ikinilos ng pinsan niya ay inintindi niya na lamang ito...alam niya din naman kasi na hindi ganoon si Jejie at ngayon lang ito naging ganoon sa kanya...
Kinabukasan ay inimbita ni Charlie si Jejie na lumabas...sumama namn si Jejie...
Pumunta sila sa ibat bang lugar..naikwento narin ni Charlie ang buhay niya kay Jejie...
"Bakit mo naman nasabi na hindi ka masaya sa buhay mo ngayon?" tanong ni Jejie sa binata habang naglalaro sila ng billiard...
"Si papa kasi ang gusto niya sa akin ay maging lawyer ako kagaya niya pero hindi yun ang gusto kong trabaho.." paliwanag niya...
"Ehh ano palang trabaho mo ngayon?" tanong ulit ni Jejie..
"Accountant ako ngayon" maikling sagot niya...
" Nga pala bat ang lapit lapit ni Don Lorenso sa papa mo?kaano ano ba kayo?" bigla niyang natanong ito...
Lovelotssss....
YOU ARE READING
Your Dream is Totally Mine! [Completed]
De Todo"Ang lahat ng pagsubok ng ibinigay sa atin ay kaya nating lutasin kahit gaano paman yan ka hirap basta mananaig sa ating puso ang kabutihan at pagmamahal.." Just read Carefully readers ko..😊😍 Lhung04...