Chapter Twenty Two

3 0 0
                                    

Dahil hindi matanggap ni Jejie ang katotohanan sa kanyang pagkatao ay may nabubong masamang balak sa kanyang isip...

Sa kalagitnaan ng gabi ay bumangon si Nelia sa kusina nila para uminom ng tubig...

Pagkatapos niyang uminom ay inilagay niya ang baso sa lababo..nang aakayat na sana siya ay may nakita siyang anino sa balconahe nila...

Hindi niya makita ito dahil nga madilim ang paligid...ang ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag ng bahay...

Dalidali siyang bumalik sa kusina upang kumuha ng kutsilyo...pagkatapos nagtago siya sa gilid..

Nang maramdaman niyang nakapasok na ang anino sa loob ng bahay nila ay dahan dahan siyang lumabas daladala ang kosilyong kinuha niya...

Sa di inaasahan ay nasagi niya ang isang glass flower vase kaya natumba ito at nagdulot ito ng ingay kaya napalingon ang anino sa gawi niya na may hawak na baril at ipinutok ito sa direction niya kaya tinamaan siya sa dibdib at natumba...

Ang anino ay nagpatuloy sa pag akyat sa taas patungo sa kwarto ni Luci...

Si Luci naman ay nag CCr ito..pagkarinig niya ng putok ng baril ay lumabas siyaa kaagad ng cr at kinuha ang baseball bat sa gilid ng kama niya at nagtago sa likod ng pintuan ng silid niya...

Patuloy parin sa paglalakad ang anino hanggang sa makarating ito sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Luci...

Tinadyakan niya ito pero hindi niya masira sira...kaya binaril nalang niya ito para masira...

Pagkasira ng doorknob ay binuksan na niya ito...

Nang nakapasok na ang anino ay pinalo ito ni Luci sa hawak niyang baseball bat kaya nahulog ang baril nito sa sahig...

Nang nakita si Luci ng tao ay sinuntok siya nito kaya napaupo siya sa sahig at nabitawan ang hawak niyang baseball bat...

Mabilis naman siyang hinila ng tao at kinaladkad papunta sa gilid ng kwarto kung saan may liwanag..

"J-jejie?" hindi makapaniwalang sambit ni Luci nang makita niya ang mukha ng taong kumaldkad sa kanya...

" HAHHAHAHA" tumawa lang nang malakas si Jejie..tsaka pinulot ang baril na nasa sahig at tinutok sa ulo ni Luci...

Sa labas ng bahay nila Luci ay may nagsiatingan ng mga puli at marami naring mga tao...unti unting pumasok ang mga pulis sa loob..

Dumating rin si Leo...pumasok si Leo sa loob at tinangka pa sana siyang pigilan ng mga pulis pero hindi siya nakinig dito...







Lovelotssss...

Your Dream is Totally Mine! [Completed]Where stories live. Discover now