Chapter One

13 0 0
                                    

"Bilisan mong maglakad baka hindi natin maabutan ang barko" sigaw ni ya sa asawa niyang karga karga ang anak nila...

"Ouh eto na" sagot naman ng asawa niya tsaka nagmadaling maglakad...

Nakarating na sila sa loob ng barko tsaka naghanap ng pwestong mauupuan...

"Oi pinsan pupunta din pala kayo ng maynila?" nagulat sila ng biglang may nagsalita sa likod nila..pinsan pala ito ni Martin na si Mila...

"Oi pinsan ..Ahh oo pupunta kami sa maynila doon na kami maninirahan..kayhirap kasi dito sa probinsiya ehh.." paliwanag ni Martin sa pinsan niya..

"Totoo yan..napakahirap talaga dito" sang ayon namn ng pinsan niya sabay sindi ng sigarilyo niyang dala tsaka sinipsip ito...

"Ouh sya ..insan ikaw muna bahala sa mag ina ko.don lang ako sa mga kaibigan ko" sambit niya sa pinsan niya...

"Ouh sge insan.." sambit nmn ni Mila..

"Nelia don muna ako sa mga kaibigan ko" paalam niya sa kanyang asawa..tumango nman si Nelia..

Umupo nalang sila sa upuan ng barko tsaka pinagmasdan ang mga batang natutulog...may dala rin kasing bata si Mila..pamangkin niya ito ..anak ng kapatid niyang lalaki na napatay ng mga pulis dahil nang hold up ito...

"Hoi Nelia mabuti at napagtyagaan mo yang si Martin?"  nakangising sambit ni Mila..

"Ahh..oo" yun lang ang nasabi ni Nelia tsaka ngumiti ng pilit..

Maya maya pa ay narinig ni Nelia ang sigaw ni Martin at papalapit ito sa kanya...lasing na naman kasi ito...

"Huwag kang maingay...baka magising mo ang mga bata"  suway niya kay Martin...

"Pera..bigyan mo ako ng pera"  sabi ni Martin at inilahad pa ang palad niya..

"Wala akng pera para sa bisyo mo oi.."  pagmamatigas ni Nelia sa asawa.

"Eto nalang" sambit niya at tinangkang kunin ang kwentas na nasa leeg ng anak nila..

"Huwag..huwag mong kunin yan..bigay yan ng ninong niya..." pagpigil niya sa asawa niya..

Kumuha ng pera si Nelia tsaka binigay sa asawa niya...muli naman itong bumalik sa mga kaibigan niya tsaka nagsimula na namang magsugal...

"Bakit hindi mo siya iwanan?" Tanong ni Mila kay Nelia...
Huminga lang ng malalim si Nelia bilang sagot...

"Bat dika sumama kay Lorenso?" nakataas kilay na sabi ni Mila...

Nagulat naman si Nelia sa nalaman ni Mila...

"Ahaha..gulat ka noh...alam ko yun...wlang sekretong di nabubunyag..tsaka sino namang hindi maka alam nun ehh parang komiks na pinakakaguluhan ng mga tao ang loves story niyong dalawa ni Lorenso..parang sa pilikula lang noh...mayaman na nainlove sa isang mahirap.." sambit niya tsaka sumipsip ulit sa sigarilyo niya...

Bumuntong hininga nalang si Nelia tsaka itinuon ang pansin sa anak niyang natutulog...

Sa kalagitnaan ng gabi ng kanilang byahe ay nagulat sila ng may biglang sumabog at umapoy ang kanilang sinasakyang barko kaya nagsitalunan na sa tubig ang iba nilang kasamang pasahero...

Pati sila ay tumalon narin sa dagat kahit di nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila...sa pagkakataong ito ay ang pagtalon nalang sa tubig ang naisip nilang paraan upang maligtas sila sa panganib na dala ng pagsabog ng barko na sinsakyan nila ngayon...







Lovelotssss...



Your Dream is Totally Mine! [Completed]Where stories live. Discover now