CHAPTER SEVEN

83 33 5
                                    

#PILY07

"Hey Blaire." Nagulat ako nang makita ko si Julian sa tapat ng classroom namin. Agad kong tinago sa likod ko ang dalawang waffles na dala ko at dali-daling nilunok ang kinakain ko.

"Y-yes?" I asked.

"I can't review later. Mr. Fuentes and I have somewhere to go to. Can you manage alone?"

"Ganun ba? Oo naman kaya ko." Masaya kong sabi kahit ang totoo ay nalungkot ako.

"Okay good." He said then leave.

"O anong ini-emo mo dyan?" Sabi ni Francesca nang mapansing napasimangot ako.

"Hindi ko siya makakasama mamaya."

"Ang OA ha! May label? Daig mo pa namatayan sa kakadrama mo dyan."

Hindi ko siya pinansin. Kahit papano masasabi kong nag improve naman ng konti ang samahan namin. Sa tatlong araw na pagrereview, hindi na ito tahimik. Natutuwa nga ako sa pagiging curious niya e, kahit simpleng bagay tinatanong. Kaya mas lalo akong nafafall. Ang innocent niya!

P.E time na namin ngayon at katatapos ko lang magbihis ng PE uniform ko nang lumapit sa akin si Windy na may malawak na ngiti.

Hindi kami close. Kadalasan ay kinokontra ako nito lalo na kapag nagbibigay ako ng opinion sa klase kaya naman nagtataka ako. She wants something for sure.

"Hi Blaire! Pwede bang kami ni Shan ang magpartner mamaya?"

Sabi na nga e. "Tanungin mo na lang siya." Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako.

"Please, I'll even suggest you para sa Miss Foundation Day."

Hala, anong kinalaman nun? Atsaka wala naman akong balak no. Duhh!

"Oo na!" Sabi ko na lang para tigilan na niya ako.

"Okay everyone go to your partners now." sabi ni Sir Chester ang PE teacher namin.

Agad na lumapit si Shan sa akin. "Si Windy muna partner mo."

Nakakunot noo itong tumingin sa akin. "Bakit?"

"Basta. Sige na, ngayon lang naman."

Ayaw pa sana nito pero napilit ko din.  Lumapit ako kay Allan, siya lang kasi ang wala pang partner.

Pagkatapos ng PE namin ay nanatili kami sa may field upang magpahinga. Napahiga ako sa damuhan. Sumunod naman ang tatlo sa akin. Our heads are almost touching, we are forming an X.

"Langya ka Alaska, ba't mo ako pinagpares dun? Ang daldal, muntik na kaming mapagalitan!" Reklamo ni Shan.

Tumawa ako. "Patay na patay yata sayo yun. Patulan mo na kaya."

"Si Shan papatol dun, yuck naku asa ka!" Sabat ni Francesca.

"Sabi ko naman sayo may hinihintay yan." Ani Jasmine.

Napabangon ako kaya sumunod din sila.

"Ang daya niyo talaga. Wala akong alam."

"Huwag mo nang alamin, hindi mo rin naman maibabalik."

"Ano?" Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Francesca.

"Tara na nga."

Tumayo si Shan. Itinaas ko ang kamay ko Kaya inalalayan niya ako.

"Thank you."

Katatapos lang naming maghapunan. Nasa higaan na ako ngayon habang nagsscroll sa Facebook. I was bored when all I can see are memes and memes. Nagiging comedy page na yata ang Facebook.

Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon