PROLOGUE

431 16 5
                                    

"Guys, move!" I shouted.

Nasa isang event kami ngayon na kami ang mago-organize. Big event ehh kaya dapat maayos ang lahat.

"Oh my gosh! Is that you Clarisee Raegan? OMG!" I turned around when I heard my name. I took a deep breathe.

"Can we take a picture together?" Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Nakakahiya naman kasi baka sabihin nila na masyado akong snob sa mga fans. Ayoko namang ako na naman ang laman ng balita.

Hindi naman naging matagal yun kasi picture lang naman ang gusto nun kaya bumalik na ako ulit sa ginagawa ko.

Ako yung event manager dito sa isang event organizer company which is company ng family namin. Ako lang ang nagmamanage. Yun kasi ang isa sa mga utos ni Dad saakin.

I've been busy for the last months, kaya ngayon na lang ulit ako nakabalik dito sa pagoorganize ng mga events and even na wala ako sa paligid I know na kaya naman nilang mag organize ng malakihang event eh.

Busy ako sa pagiging model ko and vlogger at the same time. That's why pabalik balik ako sa New York. Well, tumira naman ako doon sa New York. Actually, sobrang tagal kong tumira doon. 2 or 3 years yata ako doon if I'm not mistaken. Kailangan ko lang bumalik dahil si Dad ang nagsabi na bumalik muna ako dito sa Pilipinas.

"Done na ba? You sure? Is everything okay? Just make sure na hindi tayo mapapahiya." I was talking to my secretary when I saw a familiar guy.

I'm not sure if siya nga yun. Nakatalikod kasi kaya hindi ko makita ang mukha niya. I shrugged out of nowhere and focus in what I'm doing.

Anytime magsisimula na daw ang event. Nacheck na din naman lahat ng mga staffs ko, kaya umupo muna kami sa isang tabi. I badly need to sit na. Kanina pa masakit ang paa ko sa heels na suot ko and kanina pa din kasi ako nakatayo.

I opened my bag and look for my phone. Hindi pa naman siguro ito kaagad magstart kaya ichecheck ko muna ang phone ko.

"Gosh! I can't wait to see him! Kakauwi niya lang kaya bongga dapat ang pa-welcome sakaniya." I heard some girls talking about someone. I'm sure he's an artist. Kasi hindi naman mapupuno ang hotel na ito kung hindi naman. Pwede ring singer or model. Basta something like that.

Eh bakit ba kasi hindi sinabi saakin kung sino ang darating sa event na ito? Minsan talaga may mga client na hindi sinasabi kung sino ang bida ng event. Well, sanay naman na ako sa mga ganon. Tsaka, as if I care. Ang gusto ko lang naman palagi ay yung matapos na ang mga ganitong event.

I suddenly stopped scrolling on my phone when I saw a familiar face. Bakit sa lahat ng mga may Instagram eh yung sakaniya pa yung nakita ko? Sa pagkakaalam ko eh in-unfollow ko na siya sa IG. Anong nangyari? May nakielam ba ng phone ko?

Pinakatitigan ko ang mukha niya sa isang picture na kakapost lang niya sa IG. I admit na nagmature ang itsura niya ah. After how many years, hindi niya pa din binabago ang hair style niya. He always prefer curly and frizzy hair. Wait, ano bang pake ko? Gosh Clara! Stop that!

"Ehem! OMG! Don't tell me na you like him pa din or should I say you still love him? Oh no! Oh no! Gosh Clara naman-" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang ingay niya. Super!

"Mila, shut up. Mali yang iniisip mo. Tsaka hello? It's been a year. Move on!" Inalis ko na sa IG ang phone ko. Baka ano pang makita niya eh. Tinanggal ko din kaagad ang pagkakatakip sa bibig niyang maingay.

Mila is my bestfriend. Matagal na. Since high school pa nga yata and up until now eh bestfriend ko pa din siya. She's always there for me.

"Anyway, ikaw ba ang nagfollow sakaniya sa gamit ang IG ko?" I asked her. Siya lang naman ang tanging nangingialam ng phone ko. She looked at me and playfully smiled.

"Mila naman! Akala ko bang sinabi ko na ito sayo? Gosh Mila! I want to slap you right now but ayokong gumawa ng gulo dito." I opened my IG again and inunfollow ko na ulit. Baka mamaya ano pa isipin non eh.

Baka sabihin niya eh inistalk ko siya o kaya sinusubaybayan ko mga post niya. Alam ko kung paano magisip yun ehh. Knowing na may pagkaassumero ang taong yun.

"Oo nga pala, bago mo ako sampalin or what. Alam mo ba kung kanino event ito?" Umiling ako sakaniya and then she rolled her eyes.

"Tsk. You really don't know? Gusto mo bang sabihin ko sayo?" Umiling na lang ulit ako at inayos ang bag ko.

Aalis na ako dito. Bahala na yung secretary ko. I badly want to sleep right now. Wala pa akong maayos na tulog this past few days. Kakauwi ko palang ng Pilipinas pero imbes na nagpapahinga ako ito ang ginagawa ko. Gosh! This is my life! Wala naman akong magagawa.

"Where are you going? Di pa tapos ang event ahh!" Ayun na naman at nagrereklamo na naman siya.

"I want to rest. 3 days palang ako dito pero gusto ko ng bumalik sa New York. Buti pa doon eh medyo nakakapagpahinga pa ako." Tatawagan ko na sana ang driver kaso bigla na lang akong napastop sa paglalakad when I saw someone.

Oh gosh! Bakit dito pa? Bakit ngayon pa? Gusto kong magpatuloy sa paglalakad pero hindi ko kayang ihakbang ang paa ko. My eyes grew bigger when I saw him looking at me.

Gosh! Sa dami ng pwede niyang tignan bat ako pa? Ang dami kayang tao dito tapos ako yung una niyang nakita? Ano bang ginagawa niya dito?

"OMG! Papalapit na siya sayo." Ang ingay nga naman ni Mila oh!

Tama nga si Mila! Oh gosh! No way! No way! I can't! Paano ko siya kakausapin nito? Hanggang sa nasa harapan ko na nga siya.

"Hello Miss Clarisse Raegan! Good to see you here and by the way he's Ryder Montereal. I guess you already know him right?"

Calm down Clara! Stop acting weird. I took a deep breathe and smiled na lang.

"Ofcourse I know him. We know each other." What the hell? Bakit ko sinabi yun? Gosh!

"So you know each other? Well, that's good to know." Ang daldal naman ng manager ni Ryder. Hindi ba pwedeng umalis na sila sa harapan ko kasi nandito din ang mga taga-media.

"Ryder Montereal, kaibigan niyo po ba si Miss Clarisse Raegan?" I rolled my eyes when I heard some of the reporters na nagtatanong about me and Ryder.

I want to shout. I want to walk away. I want to go somewhere. Yung walang media, walang Ryder. But I can't. I don't want to make a scandalous things here.

"Nope." Simpleng sagot niya.

"Because she was my girlfriend."

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Nsmes, characters, business, places, events, locales and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

▪▪▪

This is an independent story. You don't need to read "Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1) to understand this story. Though, they may have family connections.

THE CLARITY OF LOVE
(MONTEREAL SERIES #2)

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon