Prologue

95 4 0
                                    


"Keifer, wala na bang mas ibibilis pa yan?" Inis na tanong ko kay Keifer habang naka tingin sa ginagawa niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit dito niya pa ginagawa ang mga bagay-bagay ey may bahay naman ito? Bakit sa bahay ko pa siya nang gugulo?

"Marunong ka sanang mag hintay, pwede?" Naka busangot na ang mukha nya at mas lalong pinag tuonan ang pansin ang ginagawa niya. Hinihintay ko yung sulat nya ewan ko kong para kanino yun at kahit na gustong gusto ko na siyang palayasin sa pamamahay ko ay hindi ko naman iyon magagawa. We made an agreement. At iyon ang pinag sisisihan ko hanggang ngayon.

Pasimpleng sinilip ko iyon at agad naman niyang itinago saakin.

"Wag kang tumingin" Sigaw niya saakin. I rolled my eyes

"As if naman kong napaka ganda ng penmanship mo?"

"Isa, sisipain kita!" Napatikwas ang kilay ko at mahinang sinipa ang bangko na inuupuan niya

"Dalawa, tatlo, million. Gago umalis ka na nga dito!"

"Tumigil ka nga, sisipain kita!" Natawa ako ng pagak at sinipa ulit ang bangko. "Ano ba! Masisira tong sulat ko!" Angal niya.

"Bilisan mo na kasi! Marami pang akong gagawin."

"Just wait for awhile."

"Keifer naman ey!"

"Bat ba nag mamadali kang palayasin ako?" Lumingon pa ito na naka simangot ang itsura. Napahalukipkip ako at tinaasan ng kilay.

"Uso kasing mag madali!"

"Uso rin kasing mag hintay!"

Napuno nang sigawan ang loob ng bahay, buti na lang at mag isa na lamang akong naninirahan sa bahay na ito. Matagal na panahon na.

Hindi ko na rin maalala kong paano ko nalagpasan ang pangungulilang iyon.

"Oh, eto na panget. Masaya kana?" Pabalang ng na itinapon nya saakin yung gawa nya, nilagay na rin nya iyon sa loob ng sobre. I glared at him.

"Tangina mo talaga, Keifer!" Gusto kong isampal sa makapal niyang mukha ang hawak kong sobre para matauhan naman ang gago.

"Mouth" Pinandilatan niya ako ng mata. I clenched my fist but I need to calm myself. Tumayo siya at hinarap na ako.

Mas matangkad parin siya kesa saakin. Simula pa noong una naming pag kikita, kahit pa sabihin kong linag sisihan ko na nakilala ko siya ay wala naman na akong magagawa.

"Pag ikaw talaga nainlove saken? WHO YOU ka saken." Nagulat pa ako ng duro-duruin niya ako.

See? Ganyan kakapal ang mukha ng gagong lalaking ito. I smirked.

"Gago, hindi yan mang yayari. Kalma ka lang!" Ngumisi naman siya saakin as he flexed his body. At gaya ng ginagawa ko sa tuwing gagawin niya iyon ay nag mamake face lamang.

Maraming humahanga kay Keifer, aminado naman ako at magiging napaka sinungaling ako kaoag sinabi ko hindi gwapo at gago ang isang to dahil totoo naman ang kaso hindi ako tulad nila. Kaya ko pa naman lumugar.

At mag pigil.

"Soon, Mayumi. Not now but soon, at pag dumating ang araw na iyon, iiyak ka talaga ng dugo dahil hindi kita papansinin. Bleeh!" Napa titig laman ako sakanya lalo na ng irapan niya ako.

Hindi na ako naka kibo pa at pinanuod ko na lamang siyang lumabas ng pinto. I gulped and sighed heavily.

"Sorry, Keifer. Hindi mang yayari iyon." I smile bitterly.

Muli kong itatanong sa sarili ko. Bakit nga ba ako pumayag na maging Things Keeper ng unggoy na iyon?

Hayst.

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon