Mayumi Reyes
"Oi, kantahan tayo guys." Masiglang sabi ni Agatha. Ipinaliwanag rin nya na medyo nag loko ang switch kanina kaya bigla itong namatay.
Nandito kami ngayon sa labas, malapit sa dalampasigan may nilatag silang blanket para daw sa Bon fire bonding namin ngayong gabi.
"Sirang plaka boses ko kaya di ako pwede dyan." Ani ko pa at naupo na lang dun. Nagulat na lang din ako ng maupo sa tabi ko si Tyler na may hawak ng guitara. "Marunong ka mag guitara?"
"Yes." He said proudly.
"Sana all guitarist." Naka ngusong sabi ni Rhea.
"Ingit ka? Pag aralan mo ey." Cindy barked.
"Papansin."
"Tama na nga yan." Naupo si Michelle sa gitna nila. "Game, sino una kakanta?"
"Ikaw na kasi Mayumi. Alam ko naman maganda boses mo ey." Tukso saakin ni Cindy. I glared her.
"Huwag ka ngang gumawa ng kwento." Asik ko sakanya.
"Opps. Wala naman si Keifer." Parang gusto ko tuloy lapitan ang bruhang ito para ingudngod sa apoy.
"Try to sing, Mayumi. I know you can do it." Natigilan naman ako sa sinabi ni Tyler. "Isa pa tayo lang naman dito siguro may date yung dalawa kaya wala dito." Ipinalibot ko ang tingin ko at ngumiti ng mapait.
Wala nga si Keifer at Samantha, at baka nga mas gusto nilang mag kasamang dalawa para sulitin ang bawat oras. I sighed heavily.
"Fine." Sumusukong sabi ko. "Basta walang mag rereklamo kapag nabasag tenga nyo ah!" Banta ko sakanila. Tumawa naman sila.
"Go, ako cheerleader mo." Kantyaw pa ni Tyronia. I shrugged my shoulder and calm myself.
"It was love at first sight but what is it now Im sick and tired of everything I thought it was right." I started to sing.
Nag simula rin namang sundan iyon ni Tyler, mapait na nilingon ko siya habang focus sya sa pag guguitara.
"I just want someone who will light my day, I just want to find the one but not the tears to come running down." Medyo napiyok pa ako dahil hindi nan talaga ako marunong kumanta.
Mariing napapikit ako habang pinakikinggan ang tugtog ni Tyler, panira lang naman talaga ang boses ko pero isa pang dahilan kung bakit napiyok ako ay ang pag sisimulang pamumuo ng liha saaking mga mata.
"I was naive of falling in love didnt know how is should be but now i know it hurts." Tahimik lamang ang buong paligid, hindi ko magawang imulat ang aking mga mata dahil alam kung mag tatanong ang kanilang mga mata kung bakit lumuluha ako ngayon.
"I was naive of falling in love I wasn't prepared for this I guess with you feelings don't last." Nag lakas ako ng loob na imulat ang mata ko dahil tumigil na rin sa pag tugtog si Tyler, siguro ay nabingi na sya sa boses ko.
Pero ganun na lang ang gulat ko ng mag tama ang mata namin ni Keifer. Nakaupo ito sa tabi ni Agatha kasama si Samantha at mag kaharap rin naman kami. Napalunok ako at mabilis na nag iwas ng tingin.
"WOOAHH" Sabay na sigaw nila sabay palakpak.
"Ang ganda pala ng boses mo bes." Masayang sabi ni Michelle. Ngumiti ako ng lihim.
"Bakit ang lalim, huhuhu. Naiyak ako." Maarteng turan ni Tyronia at nag pupunas punas pa ng luhang nag landas din sa kanyang pisngi.
Tahimik lamang si Tyler, si Samantha ay naka ngiti saakin at si Rhea at Cindy at may pag aalalang naka tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...