Mayumi Reyes
"Hindi na ako sanay gumising ng maaga."
Panay reklamo saakin ni Cindy habang nag lalakad kami sa hallway, finally ang pinaka hihintay kong pag bubukas ng klase ay natupad na. Oh well, namiss ko naman na talagamg mag aral kahit na kadalasan kong ginagawa ay matulog.
"Iba talaga pag rich kid." Sagot ko na lamang sakaniya.
"Hindi no, atsaka gusto ko pang manatili sa probinsya namin kahit tatlong araw pa." Naka ngusong demand niya. Nailing na lang ako.
Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa dinaraanan namin, Education ang kursong kinuha ko habang si Keifer ay Business Ad. At alam nyo yung pinaka himala sa lahat? Hindi nag krus ang landas namin ngayong araw at laking pasasalamat ko dahil dun.
"Sana all may jowa, sana all mahal." Umasim ang itsura ko ng malakas na nag sigawan ang kalapit classroom namin.
Sumilip ako doon at nag kakasiyahan sila, hinigit ni Cindy ang braso ko papasok na sa classroom namin.
"Halika na nga, Yumi. Baka mamaya sugurin mo sila hindi naman ikaw pinatatamaan nila." Natatawang sabi niya.
"Hindi naman ako natamaan dzuh?"
Pumwesto kaming dalawa sa 1st row at naupo na. Medyo malabo n ang mata ko kaya kailangan ko palaging maupo sa harapan.
Nag tataka ba kayo kung bakit nakaka survive parin ako kahit pa both parents ko ay iniwan na ako? Well, yun din ang ikinapag tataka ko. Ang alam ko lang ay may nahanap akong bank account ng tatay ko na naka siksik sa ilalim ng kama ko. Siguro ay iniwan talaga iyon ng nanay ko at nilaan na niya para saakin.
Nung una ay hindi ko iyon magawa-gawang galawin dahil sa laking pag sisisi ko na ngayon ko pa natuklasan na mayroon ganung kalaking pera ang tatay ko, edi sana naagapan ko oa ang pag lala ng sakit ni nanay. Edi sana kasama ko pa siya.
"Oi, seryoso mo naman ata dyan." Napangiwi pa ako sa lakas ng pag kakasiko ni Cindy sa braso ko.
"Aray ko naman."
"Ay nasaktan ka? Akala ko kasi manhid ka." I glared her.
"Gusto mo iparamdam ko sayo paano mamanhid ang katawan?" Hamon ko sakanya. Biglang may kinang sa kaniyang mga mata.
"Aye! Sige nga paano?" Unti-unti kong narealise na isa palang malaking pervert din pala tong babae na to kaya inismiran ko na lang siya. "See? Di mo kaya."
"Manahimik ka nga." Saway ko sakanya.
"Problem?" I shooked my head. "Sus. Mag sinungaling kana sa lahat, huwag saakin." Tinapik-tapik nya ang balikat ko. "Spill it, Mayumi." I sighed.
"Hindi ko alam kung kailan niya ako titigilan." Pag sisimula ko.
"Kasalanan mo naman kasi iyon ey. Bat ka ba kasi pumayag?" Tukoy niya sa agreement namin ni Keifer.
"Dzuh? Nakwento ko naman na sayo ang dahilan diba?" I even rolled my eye balls. She shrugged her shoulder.
"Edi ikaw ngayon ang dehado?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?"
"Anong ano?" She smirked.
"Anong ibig mong sabihin."
"Mayumi, huwag mong idadahilan na hindi mo alam ang ibig kong sabihin. Ikaw naman kasi nakakaramdam niyan ey." Turo niya sa dibdib ko. Tinabig ko ang kamay niya.
"Gusto mo lang akong tsansingan ey." Reklamo ko.
"Gaga ka." Tawa pa niya.
Eto talaga ang girl version ni Keifer Sandoval ey. Hindi ko alam kung bakit napapalapit ako sa mga may maluluwang ang turnilyo sa utak?
![](https://img.wattpad.com/cover/246191947-288-k111243.jpg)
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...