Epilogue

44 4 2
                                    

Mayumi Reyes

Hindi mawala ang ngiting naka paskil saaking mga labi habang binabasa ang huling pahina ng paborito kong libro, bitin man ngunit hindi ko ito pinag sasawaang basahin. Bakit? Dahil ako mismo ang lumikha nun.

"Pasensya kana, hindi kita nabigyan ng hustisya." Natatawa ko pang sambit ng umabot na ako dulo kung saan ay nag kahalikan na ang characters ko.

Kasabay ng maingat na pag sara ko ay naramdaman ko ang ngipin na bumaon sa balikat ko kaya malakas na pasigaw ako.

"Tangina mo!" Asik ko sakanya. Halos mahiga na sya sa kama kakatawa nito.

"Napakapanget ng reaction mo, asawa. HAHAHAHA." Nanlisik ang aking mga mata habang hinihinas ang nasaktan kong balikat.

"Alam mo bang masakit iyon!"

"Di naman ah." Bigla syang umayos ng upo at ngumuso saakin.

Kahit kailan talaga ay di na nag bago ang asungot na unggoy na to.

"Ey kung sipain kita?"

"Sorry na, aasawa." Lumapit ito saakin ngunit masama parin ang tingin ko sakanya. He kissed me. "Bati na tayo."

"Never, Keifer, never!"

Naiiling na sabi ko at yumakap ito mula sa likod ko. Galit ako, wala sa araw at taon na hindi ako nagalit sa lalaking ito pero sa simpleng lambing nya ay nawawala bigla ang galit na iyon. Napapalitan ng saya at galak saaking puso.

Siya yung taong hindi ko aakalain na darating sa buhay ko, hindi lang  siya ang sumagip sa buhay ko kundi pati na ng puso ko.

"Sorry na, kiss na kita." Ngumuso sya at mabilis ko naman iyon tinampal.

"Di muna uulitin?" Galit na tono paring tanong ko. Mabilis naman siyang tumango at itinaas ang kamay para bang nanunumpa.

"Hindi na talaga asawa ko." Parang bata na sabi ni Kiefer kaya diko natiis na huwag halikan ang labi nito.  Kita ko ang gulat sakanyang mga mata, maya't maya ay napalitan iyon ng pilyong ngiti sabay tulak ng mahina saakin. "Yiee, ikaw ah. Pasimple ka rin magnakaw ng halik."

"Bakit bawal ba?"

"No, Mayumi. You own me now." Hinaplos nito ang pisngi ko ng may matamis na ngiti sakanyang labi.

Matagal na kaming nag sasama ni Kiefer simula ng gumraduate kami ng college, nag propose na ito saakin at sino ba ako para tumanggi? He promised the world to me. I love him and I don't know if I can still handle my life without him.

He is my saving grace, everything about him is happiness. He's my happiness. Keifer is the definition of my happiness.

"Kahit pa ikaw unang humalik saakin noon, tsk. Dapat talaga ako unang mag dada moves." Naiiling na sabi nya. Namula na naman ako sa tuwing maalala ko iyon kaya binatukan ko sya.

"Diba sabi ko sayo wag mo ng babanggitin yan?"

"Why not?" He grinned. I rolled my eyes.

"Di ka tatabi saakin mamaya!" Unti-unti syang namutla at this time ako naman ang ngumisi. "Namutla ka ata, Keifer?"

Akala ko talaga ay pang habang buhay na Things Keeper ako ni Keifer, akala ko iyon lamang ang tanging papel ko sa buhay nya. Akala ko lang pala iyon.

"Nag bibiro ka lang, Yumi diba?" Mabilis na umiling ako. "Mayumi nga!" Angal nya.

"Ow? Mayumi na ngayon tawag mo saakin?" I raised my brow. "Nasaan na ang asawa ko? Keifer?" Natawa na lang ako ng lihin ng mas lalong humaba ang nguso nito.

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon