Chapter XII

26 3 0
                                    

Mayumi Reyes

"Saan tayo sasakay?" Napalingon ako sa tanong ni Tyronia. Kung patalbugan lamang ng kasuotan ang araw ngayon paniguradong sya ang mananalo.

"Sa kanila." Nguso ni Rhea, sinundan ko ng tingin iyon at nakita ko ang papalapit na balack tinted van.

Siguro nasa loob na ang kumag na Keifer na iyon!

Hindi man lang ako hinintay kanina ey, huminto ito sa harap namin kasabay ng pag siko saakin ni Cindy. Clueless na nilingon ko sya. Iba naman trip ng babaeng ito, well parehas naman kami ng taste sa pananamit pero mas mukha lang syang lalaki tingnan sa porma nya.

"Ayos ka lang ba?" Makahulugan na tanong nito saakin. Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit? Ayos naman ako."

"Sigurado ka? Ayaw mo mag back out?" Nakangising tanong pa nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Manahimik ka, Cindy. Baka masapak kita." Mahinang tumawa sya at inakbayan ako.

"I'm just asking."

"Ginugulo mo lang isipan ko ey. Manahimik ka!" I hissed. Hindi naman sya umangal. Bumukas na ang pinto ng kotse at niliwa nun si Keifer at----well, sya na ata si Samantha. Napakaganda nga nito.

She looks like a super model, bagay sila ni Keifer. awts.

Mariing ipinilig ko ang ulo ko sa bulong mg isipan ko. Ngumiti ito saamin at pumulupot naman ang braso ni Keifer sa bewang nya para alalayan it. Tssh, tsansing lang naman ang gago na to! 

"Hi guys." Masayang bati nito saamin. Tumikhim ako ng lumapit saakin si Keifer.

"Sino yan?" Kunwaring tanong ko pa sakanya kahit na  obvious naman na siya ang babaeng pinapangarap ng unggoy na to.

"Si Agatha." Napatikwas ang kilay ko at naguguluhang tumingin kay Keifer.

"Akala ko ba si Samantha?" Natawa sya bigla at napakamot. "Bago na naman ito? Seryoso kaba?"

"No, she's my cousin. Hahaha!" Napakurap-kurap ako at nilingon ang babae, masayang nag uusap sila ni Michelle. Ow nakalimutan ko palang mag kaklase pala silang dalawa sa elementarya.

"Ey, saan si Samantha?" Malamlam na tinitigan ako ni Keifer.

"You will meet her soon." Walang emosyon na sabi nito, naka titig lamang saakin.

"May sakit kaba?" I snapped. Sinalat ko ang leeg nito para kompirmahin na ayos lang sya.

"I'm fine, Mayumi." Hinawakan nya ang pulsuhan ko ngunit agad rin nyang nabitawan iyon ng bumukas muli ang pinto ng van at lumabas doon ang dyosa na agad ma yumakap sa bewang nya.

"Keif."

Napanga-nga ako sa sinabi nito. What the heck? Ano daw? Binalingan niya kami ng may malawak na ngiti sakanyang labi.

"Hi guys, I'm Samantha. You can call me Sammy or Sam. Nice to meet you." Nakipag kamay kami sakanya. Maya't maya ay siniko na naman ako ni Cindy.

"Ang ganda nya." Bulong nito saakin.

"Oo, pero hindi ako nag eenjoy sa mga siko mo!" Kurot ko sa tagiliran nya.

"Sakay na tayo guys." Tawag pansin saamin ni Agatha. Sumunod naman kami.  "Ikaw pala si Mayumi." Biglang harang nito saakin. May pilyong ngiti sa labi nito.

"Yes." Tugon ko rito. She shrugged her shoulder.

"Gusto na kita." Nagulat ako sa sinabi nito. Bigla syang natawa. " I mean, straight ako ah. Pero ang ganda mo kasi kanina pa kita gustong kausapin kaso naunahan ako ng Keifer na iyon." Napangiwi ako.

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon