Chapter VI

32 3 0
                                    

Mayumi Reyes

"Bat ba matagal kayong kumilos dyan?"

Sabay kaming pinukol ng matalim na tingin si Michelle habang di mag kanda-ugaga sa pag mamadali. Habang ako ay inaayos ang mga gamit sa loob ng bag. Isiniksik ko sa bulsa ko ang box na galing kay Keifer the monkey.

"Sa totoo lang ikaw lang naman itong gustong manood ng liga." Bulyaw sakanya ni Rhea.

"Real talk." Pag sang-ayon naman ni Tyronia na sige parin sa pag suklay habang nakanharap sa maliit na salamin.

"Sus, kunwari pa kayo. Ikaw nga Tyronia alam kung excited ka rin maka bingwit doon." Tukso ni Michelle sakanya.

"Hindi kaya."

"Sagutan pa kayo dyan, pareparehas naman na kayong di mapakali pag dating sa mga kengkoy na manlalaro dun sa gym." As usual, sabat ni Cindy na may lollipop pa sa bibig.

"Sumabat naman ang walang kwenta." Ismid sakanya ni Rhea. "Halika na nga, Mayumi. Napaangat ang tingin ko.

"O?" Ani ko.

"Sama kana saamin, iwan mo na yang si Cinderella wala karin kasi mapapala sa babaeng yan." Mabilis na na yumakap si Cindy sa braso ko at hinawi ang kamay ni Rhea na naka hawak sa kamay ko.

"Opps, don't touch my baby Yumi. She's  mine." I made face.

"Teka, kayong dalawa kailan kayo mag kakasundo?" Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko sa balikat ng hilain ako ni Michelle. "Ano na naman?"

"Sige na kasi, Yumi. Please." Michelle poutted on me.

"Saan ba ninyo gustong mapadpad hah!" Inis na bulyaw ko.

"Sa gym nga." Sabay na sabi ni Michelle, Rhea at Tyronia. Napa tikwas ang kilay ni Cindy.

"Mga hopeless  romantic talaga, tsk."

"Huwag ka ng umangal, sama ka na rin." Hila sakanya ni Tyronia.

Ako naman nag patangay na lang sa kanila. Bakas ang inis sa mukha ni Cindy pero wala siyang magawa dahil naka lingkis ang kamay ni Tyronia sa kanya. I sighed.

Hindi naman kalayuan ang gym kung saan naririnig na mula sa labas ang sigawan ng mga audience ng mga manlalaro. Hindi ako fan ng basketball game at wala akong plano na manuod pero dahil sa mga pasaway na to mapipilitan akong manuod.

"Defense! Defense!"

Napangiwi ako kasabay nang sigawan pag pasok palang namin sa loob, nasa third qiarter na at ang mga manlalaro ay ang CEC (College of Engineering and Computing) vs CBA (College of Business Administration)

"Go Donnie!"

"We can beat them, CEC!"

"Beat them! Beat them CBA!"

Gusto ko ng isumpa mga katabi ko sa upuan, di ko talaga maintindihan kung bakit ganito na lang ka lakas ang sigawan sa pagitan ng dalawang mag katunggali sa laro.

"Oy, Mayumi nandito ka rin pala." Bati sakin ni Maria na kakarating lang, naupo ito sa baba.

"Ikaw rin." Tipid na ngiting sagot ko.

"Gusto mo rin ba basketball game?" Mabilis na umiling ak.

"Nope"

"Huh? Ey anong ginagawa mo dito?" Natatawang tanong niya, kumaway din saakin si Hanna na kasama niya. Tumango ako sabat turo sa mga katabi ko na nag sisigawan.

"Etong mga wild na katabi ko ang dahilan." Natawa silang dalawa saka nguso sa kay Cindy na naka busangot ang mukha.

"Problema ng isang yan?" Umirap si Cindy sa tanong ni Hanna.

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon