Keifer Sandoval
Pagod na napasalampak ako ng upo sa sofa, nasa gilid si Dada na nag babasa ng paborito niyang book. Bumaba ang tingin niya saakin.
"Hi Dada." Bati ko sakanya. Itiniklop nito ang libro at hinarap ako.
"May gusto kaba kay Mayumi?" Nasamid ako sa tanong ni Dada.
"Rukia! Pag nabulunan at namatay yang anak ko, ikaw ang mag bubuntis saating dalawa!" Mabilis na nilapitan ako ni Nana at inalo ang likod ko.
Ganito talaga minsan si Nana at Dadd, bigla-bigla silang nag aaway pero nakikita ko kung paano siya suyuin ni Dada.
"Nag tatanong lang, Mahal." Nakangusong sabi ni Dada lalapit sana ito kay Nana kaso sinamaan siya nito ng tingin.
"Wag kang lalapit saakin!" Binalingan ako ni Mommy. "Pero totoo ba yun, Keifer?" Napa nguso.
"Mommy naman ey." I sighed. "Hindi po."
"Sure?" Paninigurado ni Dada. Tumango naman ako.
"Maganda at matalino si Mayumi." Ani pa ni Mommy.
"Mabait at Sadista tulad ng Nana mo." Bulong na sabi ni Dada.
"Anong sabi mo?" Sabay kaming nagulat ni Dada sa inakto nito.
"Sabi ko sexy." Bawi agad nito. Napailing na lang ako at ngumiti.
"Keifer, umamin ka. Dali na!" Utos ni Nana.
"Nana naman! Baby pa po ako, diba Dada?" I pouted, nag puppy eyes pa ako kay Dada para makahanap ako ng kakampi sakanya.
"Bad si Nana mo." He whispered kaya napa ngisi kaming dalawa.
"RUKIA!" Napaupo kami ng tuwid ni Dada
"Nana."
"Wifey."
Sabay pa naming sabi ni Dada. Pag dating talaga kay Nana ay tiklop kaming dalawa ni Daddy.
"Mag ama talaga kayong dalawa." Inis na sabi ni Nana
"Ikaw kasi Keifer, kung may gusto ka kay Mayumi just tell us. Boto naman kami ng Nana mo." Ani ni Dada.
"True. She's my type. My ideal type for you, Son." Hinaplos ni Nana ang pisngi ko.
Binata na ako, pero palagi parin nila akong tinatratong bata. Hindi lang naman ito ang unang pag kakataon na tinanong nila ako at tinukso tungkol kay Mayumi.
Palagi nilang pinipilit na boto sila at gusto nila si Yumi para saakin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.
"She's not my type." I sighed heavily.
"Promise?" Paninigurado ni Nana saakin, I nodded. "Mamatay man kuko ng Dada mo?" Nanaki mata ni Daddy na ikina ngisi ko.
"Uy bat kasali kuko ko?" Angal ni Dada, pinandilatan siya ni Nana ng mata. Tinago ko yung kamay ko baka kasi masali ako.
"Wag ka ng magreklamo dyan dahil mag ama kayo KUKO NYO NA LANG DALAWA." Sigaw ni Nana at tumayo sabay halukipkip.
"Keifer, Umamin ka dali." Parang bata na tulak saakin ni Dada.
"Ayoko! Baby pa po ako!" Napailing na lang si Nana
"Oo na." Natatawang sabi ni Nana. Hinila ako ni Dada palapit sakanya at naupo naman si Nana sa kabila. Napapalagitnaan na nila ako sabay gulo ni Dada sa buhok ko. "You're still our baby, Keifer." She kissed my cheek, tapos ay ginulo lang ni Dada ang buhok ko at may malawak na ngiti sa labi.
"Thank you po."
---------
Mayumi Reyes
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...