Keifer Sandoval
Kamot kamot sya sa leeg nya habang bumababa sa hagdanan. No doubt, napaka panget talaga ng babaeng ito. Mukha siyang sinabunutan ng sampung ulol na aso sa kanto sa itsura niya.
Hindi niya parin ako napansin kaya mabilis na lumapit ako sakanya sabay bulong ng, "Good morning."
"Anong-" Mabilis na pa atras siya at gulat na napa titig saakin.
"Hi." Matamis na ngiti ang binigay ko sabay kaway sakanya. Nag iba ang aura nito, again, beast mode na naman si Mayumi Reyes.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito!" Duro na sigaw niya saakin. I pouted.
"Hindi ka pa ba sanay? Atsaka bukas ang gate mo, di rin naka lock ang pinto mo. Hindi ka ba aware dun?"
Totoo naman, araw-araw na lutang ang babaeng ito. Sa lahat ba naman ng malilimutan yun ay mag lock pa ng pinto? So careless stupid.
"Masakit ulo ko, nakalimutan ko na siguro. Oh? Masaya kana? Lumayas kana!"
"No, may kailangan pa ako sayo." Hindi niya ako pinansin, nilagpasan niya ako na animo'y hangin lamang. "Hoy."
Sumunod ako sakanya, binuksan niya ang mini ref at kumuha ng maiinom. Hindi parin niya ako pinansin.
"Mayumi nga!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Mag Lalaba ako, Keifer kaya umalis kana." Utos niya saakin.
"We need to talk, first." Kumunot naman ang noo niya. Eto talaga ang babaeng nakilala ko na napaka mainitin ang ulo.
"Oy, lalaki umagang-umaga makiki tsismis ka saakin. Umayos ka di mo kina gwapo yan. Layas!" Taboy nya saakin.
Tulak-tulak niya pa ang likod ko patungo sa pinto. Napa simangot ako at lumayo sakanya.
"Usap nga lang ey!"
"Yoko! Busy pa ako!"
"Mayumi nga!"
"Keifer nga!"
Nakipag sukatan ako ng tingin sakanya, actually hindi naman na talaga panget tong babaeng to. Hindi lang pumapasa sa standards ko pero importante siya sa buhay ko yun lamang ang pinaka mahalagang reason kung bakit sakanya ako palagi nakalingkis HAHAHA nakakababaeng tingin pero yun ang totoo.
"Fine, ano ba iyon?" Sumusukong sabinpanniya. Humalukipkip ito at para banag handa nang makinig sa sasabihin ko. I sighed, paano ko ba to sisimulan?
"I met a girl."
"So?" Bagot na sabat niya. Ganoon naman lagi tong Mayumi na to. Yung pangalan niya lang maganda pero ugali niya kasing gaspang ng paa ko.
"I think i already like her." Umiwas sya ng tingin. "I need your help." Natahimik nuna kami bigla. Then she sighed and faced me again.
"Gaano kalandi yang mata mo, Keifer?" Seryosong tanong niya.
"Seryoso nga ako, Yumi!"
"Yun na nga. Seryoso rin ako, isipin mo kaka kilala mo lang sa babaeng iyon tapos gusto mo na agad? Baka bukas niyang mahal mo na siya. Tapos next day gusto mo pakasalan na siya. Walang ganun, Keifer. Umayos ka sobra lang sa kalandi yan." Nilagpasan na niya akong muli at bumalik sa kusina. Sumunod naman ako sakanya.
"That's why I'm here because I need your help."
"Kala mo saken may karanasan sa mga ganyang bagay? Hello! No boyfriend since birth. Mukhang tatandang dalaga na nga ako ey kaya mali ka ng nilapitan. Umayos ka baka di kita matansya!" Napanguso na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
JugendliteraturMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...