Chapter XIII

26 3 0
                                    

Mayumi Reyes

"Gusto ko kayong ipasyal muna habang pinapahanda ko pa yung hapunan natin."

Sabay kaming napatingin kay Agatha na excited na lumapit saamin, ako, si Cindy, at Rhea ang mag kasama sa cabin, si Michelle, Tyronia at Samantha naman ang magkasama. Mag katabi lang namin iyon habang nasa pinaka dulo ay kila Tyler at Keifer. Syempre solo cabin lang si Agatha dahil sakanila naman ito.

"Perfect, makapag selfie na nga rin ako." Excited na anas ni Tyronia.

"Wala bang walwal night dito?" Matalim na tingin ag pinukol namin ng tingin ni Cindy si Rhea dahil sa tanong nito.

"Meron naman HAHAHA." Napakamot na sagot ni Agatha.

"Dzuh, pati ba naman dito yan nasa isip mo?" Singit ni Cindy.

"Pakealam mo ba? Yokong tumandang gurang katulad mo."

"Excuse me lang, I don't need a man in my life. Kaya kong mabuhay ng wala sila."

"Pati ba naman dito dala parin ninyo ang ugaling yan?" Awat sakanila ni Michelle.

"Hi, anong nangyayari dito?" Biglang tanong ni Samantha. Dumating na pala sila. Mag kasama sila ni Keifer at si Tyler na nasa likod lamang naka sunod.

"Nothing, gusto ko kayong ipasyal muna." Baling sakanya mi Agatha.

"Game." Dumako saakin ang atensyon ni Samantha na may galak. Di ko maiwasang wag bumaba ang tingin sa mag kahawak nilang kamay ni Keifer.

"Then, what are we waiting for?" Masayang tugon ni Tyler. "Hi nga pala, best friend." Nanlaki mata ko ng hatakin ako ni Tyler palapit sakanya sabay akbay.

"Ano?" Sabay nilang lahat na tanong. Bakas ang gulat sa mukha nila.

"Best friend. Mag kaibigan na kami ni Mayumi." He faced me. "Diba? Yumi." He beamed at me. Napangiwi ako.

"Agad-agad?" Angal ni Keifer. Parang pumalakpak ang puso ko ng marinig kong mag salita ito. Sinulyapan ko ito, hindi na sila mag kahawak kamay ni Samantha at mukha syang inasinan na bulate.

"Bakit? May masama ba dun?" Inosenteng tanong ni Tyler.

"Of course not." Biglang sabi ko. Sumama ang tingin ni Keifer saakin. Ano bang problema nito?

"Sana all." Singit ni Cindy.

"Meant to be na ata kayo sa isa't isa--"

"Agatha masyado kanang madaldal ipasyal mo na kami dahil nag iinit na ulo ko kakahintay." Putol na lintaya ni Keifer at nag patiuna itong nag lakad.

"Anong problema ng isang iyon?" Inis na tanong ni Rhea.

"Ah, masakit kasi talaga ulo nya. Dahil sa haba bg byahe natin." Mahinang dipensa ni Samantha sabay sulyap saamin ni Tyler.

"Fine, lets go na." Sumunod na kami kay Agatha.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa araw na ito, tila ba mali ako ng desisyon na sumama pa rito, maging trato saakin ni Keifer ay nag iba na rin. Di na masyado niya ako pinapansin na tila ba may sama sya ng loob saakin. Ang kapal talaga ng nukha ng unggoy na to.

Siya naman yung nag imbita saakin na sumama pero mukha lang naman akong hangin ngayon sakanya well, masisisi ko ba siya? Kailangan siguro niya akong iwasan kasi nandito si Samantha.

"Wow! Picture mo muna ako rito." Hila ni Tyronia kay Michelle at inaboot ang phone nito.

"Ginawa mo pa akong photographer mo!" Reklamo nito ngunit sumunod na lang din.

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon