Mayumi Reyes
Sabay kaming napahinto sa pag lalakad nila Cindy, Rhea at Tyronia nang mapansin naming may nag kukumpulan sa purok ng education. Malayo palang ay medyo namumukhaan ko na ang isa sa kanila.
"Teka, anong ginagawa ng mga CEC sa purok natin?" Takang tanong ni Tyronia.
"CBA yan shunga." Pag tatama sakanya ni Rhea.
"Naman mga mang aagaw ng tambayan." Hindi ko na naawat si Cindy ng mabilis itong tinungo ang mga nag kukumpulan sa purok na tambayan namin.
"Hoy kalma ka lang tanda!" Habol sigaw sakanya ni Rhea.
Habang palapit kami ay napatunayan kong tama ang hinala ko, nandoon nga si Keifer kasama ang mga kaklase niyang lalaki at busy ang bawat isa.
"Aherm, excuse me?" Tikhim ni Cindy na kinakuha naman ng pansin ng mga ito.
Tinaasan ko lang ng kilay si Keifer ng tumama ang tingin nya saakin, sumilay ang ngiti sa labi at dali-daling lumapit saakin at inakbayan ako.
"Best friend." Masayang sabi nya. Nalukot ang mukha ko at sinikmuraan sya. "Aray."
"Best friend mo mukha mo." Singhal ko sakanya. Napanguso naman sya.
"Ouch, akala ko ba best friend na ulit tayo." Maktol nya. Bigla ay pumulupot ang kamay ni Tyronia sa braso nya.
"Ako na lang ang gawin mong friend. Friends with benefit." Parang gusto kong mabulunan sa sinabi nito. Ngumisi naman si Keifer sakanya.
"Pwede ba babae." Napasigaw si Tyronia ng malaas na pwersang hinapit sya ni Rhea. "Umayos ka kundi mababaog ka saakin."
"Ano bang ginagawa nyong CBA dito sa Teritoryo ng CE?" Harap na tanong ko kay Keifer. Napakamot sya ng ulo at nilapit ang mga kasamahan niya. Stress ang mga ito.
"Oo nga, trespassing kayo ah." Angal pa ni Cindy.
"Pasensya na wala ng available na pwesto sa purok namin." Nahihiyang sabi pa ni Keifer. I sighed.
"Fine-"
"Anong fine?" Putol ni Cindy sa sasabihin ko. "Nay group study tayo remember?"
"Pwede naman tayong mag group study ng hindi sila kinikibo, dzuh?" Tugon ni Rhea.
"Hindi ikaw kausap ko, layas." Nailing na lang ako.
"Teka nga muna, okay?" Pumagitna ako at hinarap ang team ni Keifer.
"Paalisin mo ba kami? Wala na kaming mapupwestuhan. Kailangan na naming matapos ang research 1 namin." Nag mamakaawang sabi ni Keifer.
"Hindi. Sige na you can stay here basta walang mag iingay ah? May group study kami--" Napa singhap ako ng bigla na naman niya akong akbayan at ginulo ang buhok ko.
"The best ka talaga best friend."
"Keifer, isa--" He cupped my face.
"Pa kiss nga, Yumi!" Ngumuso pa sya at mabilis na tinakpan ko ang nguso nya gamit ang palad ko.
"Keifer Sandoval!" Sigaw ko.
"Aherm, baka naman pwedeng hanap kayo ng private place? Nakakahiya naman kasi saaming mga walang jowa." Tikhim ni Cindy.
"At wala ring dyoga--tulad ni Cinderella." Dugtong ni Rhea. Nag irapan ang dalawa at mabili na nag hiwalay kami ni Keifer at sabay na umaktong nasusuka.
Mukhang nag kamali ako ng desisyon, dapat pala ay pinalayas ko na ang lalaking ito dahil sa totoo lang hindi naman akonnakapag concentrate sa group study naming apat. Hindi ko alam kung si Keifer ang may kasalanan o ako? Ey paano ba naman habang sumusulyap ako sakanya ay nawawala lahat ng mga iniisip kong sagot sa mga tanong ni Rhea.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...