Mayumi Reyes
"Isa, dalawa, tatlo-" Napatigil ako sa pag bibilang ng sumulpot si Keifer habang naka tambay sa terrace ng bahay nila Keifer. Inimbitahan kasi ako ni Tita na mag hapunan kasabay nila at kahit nahihiya ako ay wala na akong nagawa.
Hindi ko kayang tanggian ito dahil noong panahon na kailangan ko ng kalinga ng isang ina ay to the rescue siya palagi.
"Counting for what?" Naka kunit noong tanong niya habang nilalantakan ang ice cream sa harap ko. Pinakatitigan ko muna siya saka ngumiti ng matamis.
"Binibilang ko ang nalalabing araw mo bago kita tuluyang patayin." Umismid siya.
"Umayos ka, di ako natutuwa." I rolled my eyes.
"Hindi rin naman ako natutuwa sayo, kaya umayos ka rin." Bigla ay dinuroduro niya ako gamit ang kutsara.
"Tandaan mo nasa teritoryo kita." Banta niya saakin. Tinabig ko lamang iyon.
"Oh? Ano naman ngayon?" Bigla ay ngumiti siya at nag patuloy na sa pag kain.
"Wala naman." Nailing na lang ako sa trip nya sa buhay.
"Akala mo siguro matatakot mo ko? Never, Keifer."
"Hindi ko naman intensyon na takutin ka, dzuh?" He even rolled his eyes.
"Dapat lang, kundi sunog lahat ng gamit mo sa bahay."
"Wag mong gagawin iyon." I smile bitterly.
"Pag-iisipan ko."
Minsan talaga iniisip ko kung bakit kailangan ko pang ituloy ang bagay na to, ang maging things keeper pa niya sa loob ng tatlong taon. Oo na, malaki ang utang na loob ko sakanya dahil sinagip niya ako. He's the reason why I'm still here, hindi siya nag aalangan na tulongan ako nung araw na iyon.
"Gusto mo?" Alok nya sa nilalantakan niyang Ice cream.
"Wow, salamat hah. Biruin mo yun naisipan mo pang alukin ako?" Puno ng sarkasmong tanong ko. Natawa naman siya.
"Sus, iniinggit lang naman talaga kita. Pero dahil tumutulo na laway mo, bibigyan na kita. Say Aaah!" Sumama ang tingin ko sakanya habang inaalok yun para subuan ako.
"Gusto mo sapak?"
"Don't be shy, Yumi. This is for you say aaah." Sa inis ko ay sinipa ko ang binti nya sa ilalim ng lamesa na ikina hiyaw niya sa sakit. "Aray ko! Bakit mo ginawa yun!" Napabitaw pansya sa kutsara nya at hinimas - himas ang nasaktang binti. I raised my brow.
"You deserve more, right?" Sumama naman ang itsura niya.
"Pabawi!" Hindi ako nakakuha ng bwelyo nang bigla niyang hinawakan ang nahulog na ice cream galing sa kutsara at ipinahid yun sa pisngi ko.
"Keifer!" Halos lunabas na litid ko sa pag sigaw dahol sa ginawa niya. Ngisi lang naman siya.
"You deserve more, right?" Ulit niya sa sinabi ko. Uminit na naman ang ulo ko at tumayo na ako para maabot ang ulo niya. "nakakainis ka!"
"Aray--"
"Mga bata anong ginagawa niyo?" Natigilan kaming dalawa ng tumikhim si Tita mula sa pinto.
"Nana oh! Sinasaktan ako ng panget na to." Sumbong nito. Agad naman na humiwalay ako dahil naka dama ako ng kahihiyan.
"Pasensya na po." Hingi ko ng paumanhin, lumapit ito saamin.
"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo, Keifer? Paagi mo na lang pinapasakit tong ulo ni Mayumi." Lintaya sakanya ni Tita. Napanguso ito.
"Siya naman may kasalanan Nana ey. Sabi niya kasi maliit daw junior ko." Sabay na napasinghap kami ni Tita sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...