Chapter VII

32 4 0
                                    

Mayumi Reyes

"Umayos kayo ah, walang kill joy dito!" Banta ni Hanna habang naka upo kami sa pabilog na bangko sa park. Mantakin nyo dahil mga tsismosa mga kasama ko nag kasya kaming lima doon.

"Bakit mas marami kapang daldal kesa sa pag sisimula natin?" Angal naman ni Cindy

"Tahimik na kasi, sungalngalin ko bibig mo ey." Inis na sagot ni Rhea. Nag irapan pa ang dalawa. Hayst.

"So, let's start." Tyronia clapped her hand.

Actually wala akong alam sa ginagawa nila, maaga akong nag punta sa school para makatambay muna sa park at mag munimuni pero bigla na lang silang nag susulputan isa-isa.

"Sino mauuna?" Tanong ni Michelle.

"Sino bang naka isip ng pang isip bata na larong ito edi sya mauuna." Ani Cindy na naka busangot na ang mukha.

"Ikaw na muna, Cinderella. Total reklamadora ka." Rhea stated. "So, bakit araw-araw kang may galit sa mundo?" Natawa kaming bigla sa tanong nito. Cindy glared her.

"Kasi nakikita ko pag mumukha nyo, pwede ba layuan nyo kami ni Mayumi."

"Ambisyosa mo talaga, hanap ka jowa mo dun." Taboy sakanya ni Kristine.

"Ano ba kasing trip nyo?" Puno ng pag tatakang tanong ko.

At gusto kong bawiin ang lumabas sa bibig ko dahil biglang saakin na ang atensyon nila.

"A-ano?" Takang tanong ko. Bigla ay ngumisi sila pati si Cindy ay naging aktibo na ito at sya pa ang nangunguna.

"Let's ask Mayumi first, then." Cindy smile playfully.

"Uh-oh." I raised my hand, sign ng pag suko. "Why me? Wala akong alam sa mga trip nyo."

"Ang kill joy ipapatapon sa Mars." Tyronia said.

Mariing pinakatitigan ko sila, inisa-isa ko talaga baka sakaling mabasa ko ang mga laman ng utak nila, pero ang ko naman na iisa lang din takbo nito. Hindi ko na sila mapipigilan.

"Bakit ba kasi ninyo ako dinadamay dito." Inis na sabi ko.

"Mayumi." Masuyong tawag saakin ni Cindy. Napa ngiwi ako, napaka creepy nilang tingnan. I sighed with defeat.

"Fine!" Napanguso na lamang ako.

"Yeahey! I'll ask you first." Hinawi ni Cindy ang mga nasantabi nya para malapitan ako. "Ano ng label nyo ni Keifer Sandoval?"

Napasinghap ako at halos mabulunan ng sarili kong laway sa diretsahang tanong nya. Naramdaman ko naman ang pag alo ni Rhea sa likod ko.

"Nakakatakot talaga minsan mag tanong si Cindy, asik palang ng mata nya nakaka hukay na ng libingan." Inis na sabi ni Rhea.

"What? Wala namang masama sa tanong ko ah!" Dipensa nito sa sarili.

"Oo nga naman, pero ano na nga bang label nyo Mayumi?" I glared Hanna. Nag peace sign naman ito agad.

"Ano bang label ang pinag sasasabi mo, Cindy?" Inis na baling ko sa babaitang ito. She shrugged her shoulder and smile sweetly.

"Just asking."

"Walang label, dahil walang kami." I sighed.

"Weh? Di nga?" Sabay pa nilang apat na sabi.

"Seryoso nga!" Angal ko.

"Bakit palagi kayong mag kasama ng future ko?" I rolled my eyes over Tyronia.

"Dzuh. Hindi ko naman gustong mang yari iyon."

Keifer's Things Keeper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon