Mayumi Reyes
Napabalikwas ako ng bangon ng paulit-ulit na may bumabato sa bintana ko, at first natatakot pa ako kasi malalim na ang gabi atsaka iniinda ko pa ang sakot ng paa ko pero dahil paulit-ulit na iyon, hindi na takot ang nararamdaman ko kundi inis.
"Mapapatay ko talaga sino nasa likod neto." Pahirapan pa ako sa pag tayo mula sa kama. "Tangina talaga."
Dapat nag papahinga na ako pero heto na naman, babangon ng napipilitan. Lumapit ako sa bintana at binuksan yun sabay dungaw sa kung sino mang kampon ni satanas.
"Finally, tulog kana ba? O bingi?" Nag dugtong ang kilay ko.
Mula sa taas, nadungawan ko si Keifer na naka pampatulog tapos may hawak hawak pa syang mga bato.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo aber?" Naiinis na tanong ko sakanya.
"Hindi ako makatulog." Ani pa nya.
"So? Wala akong pakealam dahil inaantok na ako!"
"Teka muna." Sinamaan ko sya ng tingin. "Sorry na kasi, Mayumi." Parang bata na sabi nya. I rolled my eyes.
"Galit parin ako sayo, good night Keifer---" Aakmang isasara ko na iyon ng bigla syang sumigaw.
"Mayumi, sorry na nga!"
"Tangina mo, mag patulog ka ng tao!" I hissed.
"Bati na kasi tayo please?" Nag mamakaawa pa nyang sabi. I shooked my head.
Hangga't hindi pa ako makapag isip ng tama ayoko munang guluhin ako ng lalaking ito. Hindi iyon makakatulong saakin.
"Mayumi, please. Sorry na kasi." Muling hiling nya.
Mula sa kinatatyuan ko, tanaw ko kung paano malungkot ang mukha ni Keifer. I sighed. Isa pang reason kung bakit hindi pa ako pinatatahimik ng isipan ko ay dahil narin sa lalaking ito. Na realise ko kanina lang na hindi ko pala siya kayang tiisin sa kahit na anong paraan.
"Sorry na, bati na tayo. Yumi."
"Ayoko." Humalukipkip pa ako. "Pero ano bang kailangan mo?"
Alam ko naman kasi na may kailangan siya. Hindi niya lang nasabi kanina dahil hindi maganda ang bungad namin sa isa't isa plus napilay pa ako sa pag bagsak ko.
"Bati na muna tayo."
"Pag iisipan ko, sige na spill it." Bumuntong hinibga sya at ngumiti.
"Si Samantha kasi.."
Napalunok na ako sa sinabi nya kasabay ng pag taray ng matulis na kutsilyo sa loob ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman ang kirot mula roon.
"A-ano na namang meron kay Samantha MO?" Sinadya ko talagang idiin ang mag kakasabi nun para damang-dama. He sighed again.
"Yumi, I secretly courting her." Napatikwas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Secretly, what?"
"Secretly courting her."
"May ganun ba?" Tumango sya. "Niloloko mo ba ako? Kung tadyakan kita ng matauhan ka?"
"Hindi niya kasi alam na nanliligaw na ako sakanya. Pero gusto ko rin na ipaalam na sakanya na hindi lang ako nag bibiro at puro salita." I smiled bitterly. What the heck, Keifer?
"O? Ey mabuti. Bakit di mo pa gawin yun? Don't tell me naduduwag ka?"
"Parang ganoon na nga."
"At ano naman kinalaman ko sa pumapag-ibig mong puso?"
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...