Mayumi Reyes
Saturday ngayon at dahil wala naman akong klase at wala ring homeworks ay napag pasyahan ko muang mag lakad-lakad para makasagap ng magandang hangin kasi feel ko na susufocate ako sa lugar ko. Sa bahay ko, sa school basta. Feel ko napaka liit lamang ng ginagalawan ko lalo na kung bigla na lang sumusulpot ang lalaking iyon.
"Dapat ba akong sumama?" Mahinang usal ko at napaupo na sa isa sa mga bakanteng bangko sa park.
Palagi naman na akong dinadala ng paa ko sa park, kung saan marami akong nakikitang buo ang pamilya na nag kakasayahan doon.
Unti-unti ko naman inaabsorb yung katutuhanan na mag isa na ako at hindi ko na maibabalik ang nakaraan kung saan kasama ko si Nanay. Pero this time, iba na ang reason ko kung bkit ako nandidito.
"Ano ba kasi tong nang yayari saakin." Napatitig ako sa kamay ko. "Tch, fall for him? That's imposible to happen."
"Thats not Imposible, ate." Mabilis na napalingon ako sa kanan ko ng tumikhim ang isang babae doon, napa kurap-kurap ako kasi feel ko may anghel akong kaharap.
She smiled, mas lalong lumabas ang angkin nyang ganda. Wala naman syang dimple pero napaka amo ng kanyang mukha. Mapapasana all na lang ako.
"H-ha?" Wala sa sariling tugon sakanya. Naka ngiti parin ito, naka sukbit sa leeg ang dslr at walang sabi-sabing naupo sa tabi ko.
"Hi po, I'm Spring Borneo." Inilahad nito ang palad saakin. "Hindi po ako bad person, mabait ako tapos may crush din ako di nga lang ako gusto kasi liko ang landas nya." Muli ay napakurap pa ako sa mga sinabi nya.
Hindi ako makapaniwala, ngumuso pa sya ng banggitin nya ang mga salitang iyon.
"Shake hands tayo, Ate. Wala po akong virus." Natatawang saad nya. Nag aalanganin man ay kinamayan ko na sya.
"H-hi, ako si Mayumi..Mayumi Reyes, mabait din ako." Napa hagikgik siya na mas lalong nag paganda ngbaura nya.
"May crush din po ba kayo na di kayo crush?" awts. Kung bigwasan ko kaya to?
"Ano? W-wala naman." Napakamot ulo kong sabi.
"Narinig ko kasi kanina yung sinabi mo, bakit ka nga ba mafa-fall? At sabi mo imposibleng mangyari iyon."
Chismosa ba ang batang ito? Mukha naman kasi syang bata kesa saakin.
"Ah wala yun."
"Alam mo ate, paulit-ulit ko ring tinatanong ang sarili ko katulad ng tanong mo. Bakit ako mafafall? At bakit sakanya?" She sighed. Nilaro nya ang dslr nito. Malungkot na ngumiti.
"May problema kaba?" Mabilis na tumango sya. "Don't be sad, isipin mo na lang na napaka daming reson para sumaya."
"Wjat uf sya yung main reason kung bakit ako masaya?" Natigila ako bigla sa sinabi nito. "Nakakatawa mang isipin ate, pero siya ang reason kung bakit malungkot ako at masaya ako sa buhay ko."
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya. Piankatitigan ko lamang siya at hinitay oa ang susunod nyang sasabihin. Habang naka ngiti ng hindu abot sa mata tulad ng kanina.
"Nakakainis rin kasi minsan ang tadhana ey."
"Teka bakit ba hindi pwede?" Maang kong tanong sakanya. Napanguso sya.
"Because,.. He's my bestfriend." Malungkot na sabi nya. Para na siyang maiiyak sa sinabi nya.
Para akong natuyuan ng laway sa sinabi nya. Wow, sa lahat ba naman ng taong makakausap ko yung tao pang nag ka gusto sa kaibigan? Tsk.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...