Mayumi Reyes
Hindi ko alam kung ano ang nag tulak saakin para habulin sya sa labas ng bahay, natagpuan ko syang naka tayo lamang sa naka awang na gate na para bang may malalim na iniisip, pinipigilan ko lamang ang aking luha sa muling pag kakataon. May kung anong sakit na paulit-ulit na tumatarak sa puso ko.
"Tatapusin mo na pagiging keeper ko?" Pigil pa ako na wag mabasag ang boses ko. Bumuntong hininga sya at nilingon nya ako na may malawak na ngiti. Tangina mo Keifer! Napaka manhid mong gago ka!
"Yeah"
Tangina, bakit?
"O-ow, that's great." Pagak na natawa ako para ikubli ang sakit na nararamdaman ko.
"Gusto ko na rin tapusin ang pag hihirap mo."
Tangina mo! Bakit ngayon pa Keifer? Bakit?
"Thanks, Keifer. Napaka helpful mo sa pag kakataong ito. Sana pala matagal mo ng naisip yan." Puno ng sarkasmong sabi ko. Tumango sya.
"Pero may gift parin ako sayo."
"Ako reregaluhan mo?"
"Oo naman, kahit ako yung may birthday ako na mag kukusang loob na mag regalo sayo, nakakahiya naman kasi kuripot ka." Napatitig lamang ako sakanya.
Kung naiiba lang ang sitwasyon baka nag bangayan na kami pero hindi ey, hindi ko magawa kasi nasasaktan talaga ako.
"Ano naman yun?"
"Secret, kaya nga gift diba?"
"Okay." Hindi ko na magawang makipag talo pa sakanya.
"Be there." He sighed, I nodded. "Promise?" Paninigurado nya.
Kahit nahihirapan ako, kahit na ayaw ko ay pinilit ko parin na ngumiti dahil gusto kong sulitin yung huling pag kakataon na nasa harap ko sya... Na kahit minsan ay naging abot kamay ko sya.
Flashbacks
"Ikaw" Sigaw ng lalaki saakin hbang nakatayo ako sa railings ng bridge. Nilingon ko ito, hindi ko masyado ito naaninag dahil sa luhang namuo sa aking mga mata.
"A-ako?" Tinuro ko pa sarili ko para makasiguradong ako nga ang tinutukoy nito.
"Ikaw nga." Sigaw nyang muli, hindi ko sya kilala.
"Ako?"
"Oo ako ay Sh*t ikaw pala." Tinampal pannya ang noo nya sa pag kakamali.
"Ano ba talaga? Ako o Ikaw?" Mas lalo akong nalito at naiyak na naman.
"Bat kaba kasi tatalon?"
"Wala lang trip ko pake mo ba?" Bigla syang lumapit at hinawakan ang braso ko. "Bitawan mo nga ako!"
"Tatalon ka talaga?" Bakas ang inis sakanyang mukha. Tumango ako at muling itinuon ang pansin ko sa malakas na agos ng tubig.
"Pakinggan mo, parang tinatawag na nila ako." Sumampa na ko pero hinigit nya braso ko
"Bakit?"
"Bat ba tanong ka ng tanong? Bitiwan mo na nga ako.:
"Ayoko!" Matigas na sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin sakabila ng pag luha ng aking mga mata. Inambanan ko na sya ng suntok.
BINABASA MO ANG
Keifer's Things Keeper [COMPLETED]
Teen FictionMalungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hi...