Part3

429 7 0
                                    

Unice pov.

Akalain niyo yung mag iisang buwan na ako dito sa maynila at napaka dami na nangyari sa paglipas ng mga araw. Tulad ng naging mag kaibigan na talaga kami ni kyle halos sabay na kaming kumakain sa room na minsan ay binibilhan niya ako ng pack lunch kahit may baon naman ako with drink pa yan. Tapos always na din kaming sabay umuwi at pumasok sa school, yung mga kaklase ko naman ganon parin napaka bully parin nila pero di ko nalang pinapansin yung mga sinasabi nila sa akin kasi wala naman akong paki alam sa kanila. Ang importante ay wala akong tinatapakan na tao. At pumunta lang ako dito sa school para mag aral kahit anong pang sabihin nila sa akin ay pinapalabas ko lang sa kabilang tenga.

Tapos yung gwapo naman naming sir ay crush kona ngayon hehe!! Secret lang ito ah, eh crush ko lang naman eh kasi napaka gwapo niya at napaka sipag niyang magturo at dalawa pala yung hawak niya na subject sa section namin.. Diba san kapa??

Diri na ta!!

At sa mabait ko namang tita at yung anak niya ayun mabait parin lalo na si ate sandy na punong-puno na ako sa kamalditahan niya akala mo naman kung sino maka utos sa akin. Oo di naman ako nagrereklamo pero tao din kaya ako at napapagod din, di naman ako robot no. Pero pasalamat talaga sila dahil mabait ako kung hindi matagal na akong naglayas sa bahay na yun.

At tungkol doon sa pag apply ko ng trabaho sa 7/11 ayon bagsak ako kasi bawal daw ang minor doon. Kahit bata pa ako eh magaling naman akong magtrabaho, kahit anong pilit ko nong araw na yun wala talagang epik di talaga nila ako tinanggap.

Pero di ako nawalan ng pag asa no, pagsabado at linggo ay nagsa-side line akong taga laba sa mga kapitbahay namin at pagkatapos ay lumabas ako para maghanap-hanap ng trabaho pero wala pa din akong nakita pero di parin ako nawalan ng pag asa sa mga araw na yun no.sa laki ng maynila kaya makakahanap siguro ako ng trabaho nito.

"hoy, lampa ikaw ng maghatid nito kay sir zel." sabay abot sa akin ni sammy yung president namin sa classroom babae siya pero yung pangalan niya sammy Pero maganda naman din pakinggan.

Wala na akong nagawa kundi ang kunin yung mga papel na inabot niya sa akin, agad ko ding nilakbay yung daan papunta sa office ni sir malapit lang naman dito sa room namin yung office niya at nakalimutan kung banggitin na tinuro na sa akin ni kyle lahat ng meron sa school na to at kahit papaano ay naging kabisado kona din yung ibang bagay at lugar dito sa loob ng campus. Napaka ganda nga kasi ang laki ng field may swimming pool din malaking gym at bago ko lang nakita yung canteen nila dito na subrang sosyal ibang iba sa probensiya yung canteen kasi namin sa probensiya ay nasa gilid lang ng room namin. Pero dito hindi kasi subrang laki at subrang lawak niya para na atang restaurant yung canteen nila. Di nga ako naniniwalang public lang ito dahil sa subrang laki talaga ng school na to para na siyang private schiool, sa amin sa probensiya kung totoosin nga ay mas maganda pa ito kaysa sa mga private school namin sa probensiya.

Subrang daldal ko na talaga dahil nalagpasan kona ng kunti yung office ni sir, humakbang akong pabalik at sabay katok sa office ni sir zel may malaki ding nakalagay sa harap ng pinto ng panagalan niya.

Z.E.L M.E.N.D.E.S
    OFFICE

"come in." rinig kung boses ni sir zel. Kaya dahan-dahan kona ulit pinihit yung doorknob para di mag likha ng ingay. Pumasok na ako at saka isinara yung pinto.

"sir, ito na po yung pinagawa niyo sanaysay sa amin kanina." inabot ko yung papel sa kanya.. Paghawak niya sa papel ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kamay ni sir na nakadikit din sa kamay ko.

Para na ata akong aatakihin sa lakas ng tibok nito, bakit kaya??

"are you ok ms. Suarez?" alalang tanong ni sir.

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon