Part5

375 11 0
                                    

Unice pov.



Mapilit talaga sir na kunin kona daw yung phone niya pero natatakot akong hawakan yun baka kasi mabasag ko or di kaya masira ko.

"sir, di po ako marunong nito eh." pag-amin ko sa kanya. Ibabalik kona ulit sana sa lalagyan yung phone, pero nakita ko yung mukha niya kaya wala na akong magawa kundi tanggapin nalang.

"magagamit mo yan unice kaya please tanggapin mona ko ayaw mong magalit ako sayo." black mail naman tong si sir eh.

"sir, baka po kasi kunin to ng pinsan ko sir, inggetera pa naman yun." paliwanag ko sa kanya. Isa din sa dahilan ko kung bakit ayaw kung taggapin to dahil kay ate sandy baka kasi agawin niya to ede mas lalo akong malagot kay sir.

"unice maraming paraan para maingat ang isang gamit."

"pano ba kasi to sir, pa turo naman guro ko naman kayo eh." natawa siya sa sinabi ko.

Tinuruan ako ni sir kung pano gamitin yung bago kung phone at about sa sweldo ko sinabihan ko na siyang 5 thousand lang kasi subra-subra na kasi yung 20k tapos binigyan niya pa ako ng mamahaling cellpone.

"andyan na yung number ko sa contact ng phone mo, tawagan mo lang ako pag nagka problema."

"so pwede tayong mag txtmate sir?" napahawak nalang ako sa aking noo dahil sa lumabas sa bunganga ko. Pero nagulat ako sa sagot ni sir.

"yes, bakit hindi." napatingin tuloy ako sa kanya saglit lang kasi napaka seryoso niyang nakatingin sa akin. Nakakailang talaga lalo na pag tinitingnan niya ako. "anong name ng facebook mo para ma add kita sa gc niyo?" pag iba ng tanong ni sir.

"ah, wala din po akong facebook sir eh." napayuko na ako dahil sa sagot ko.

Ewan ko ba kung saang planeta ako galing at pati paggamit ng cellphone at mga bagay bagay sa mundo ay kunti lang yung alam ko.

"akin na yung phone mo gagawaan kita ng facebook." binagay ko naman yung phone sa kanya pero bigla akong napa isip.

"sir pwedeng tumingin kung paano gawin." um-oo naman siya kaya tumayo ako at pumunta sa likuran niya.

Habang gamagawa siya ng facebook ko ay pinapaliwanag niya sa akin ang mga ginagawa niya, at pinagsabihan niya din akong wag basta bastang makikipag chat sa sa di ko kilala wag na wag daw akong mag add friend ng di ko din kilala kasi daw baka yun pa yung makasira sa pagkatao ko.

Pagkatao talaga...

Pagkatapos niya akong gawaan ng facebook ay siya na din yung naghanap ng mga friends ko halos ata taga campus lang yung in-add niya at isa nadin siya doon. Tapos meron pa siyang tinuro sa akin yung nakalagay sa pangalan ng app ay messenger pinaliwanag din niya sa akin kung anong gamit don at napaka hi-tech kasi pwede ka daw mag tawag doon na makita mo yung katawagan mo narinig ko sa kanya ay vedio call ata tawag noon meron din siya mg in-add na di ko kilala.

Meron pa nga siyang tinawag na magandang babae nag hi lang ako sa kanya kasi nahihiya ako kasi tintukso-tukso ako nong magandang babae.

"sir, sino yung kausap niyo kanina ang ganda niya po no parang artista." tanong ko kay sir.

"si zendaya maddi yun, bunsong kapatid namin."

"bunso niyo po?. kaya pala may kunting hawig kayo sir." ngumiti lang si sir sa sinabi.

Pagkatapos ng mahabang chikahan namin ni sir ay pinabalik niya na ako sa room kasi subrang late kona yung phone ko ay iniwan ko muna doon sa office sir mamaya ko nalang kukunin total babalik pa naman ako don.

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon